Kabanata 8

1M 28.2K 13.8K
                                    

Kabanata 8

Wala Ka Palang Kwenta

"Hello, honey." Bati ni Clark sa akin isang gabi.

Gabi ko siya pinapatawag nang sa ganun ay hindi na ako abala sa gawain dito sa bahay at sa school.

"Hi!" Ngumisi ako at mas lalong hinigpitan ang yakap ng unan ko.

"Kumusta?" Tanong niya.

"I'm okay."

Pang apat na araw ko ngayon sa school. Ganun parin ang ginagawa ko kay Koko. Palagi ko siyang iniiwasan. Alam ko. Alam kong kailangan ko ng sabihin sa kanyang hindi ko naman talaga siya gusto.

"You?" Tanong ko pabalik kay Clark.

"May offer ako sa isang magazine shoot." Natunugan ko ang saya sa boses niya.

"Talaga? Kelan? Sasama ako!"

"Huh? Sa Sabado na iyon, Chesca. Hindi ka pa makakauwi nun."

Napabuntong hininga ako, "I'm sorry."

"It's okay, honey. Pag balik mo dito ididate kita kahit saan."

Ngumisi ako.

Sa ngayon, iyon lang ang pinanghawakan ko saming dalawa ni Clark. Nakakalungkot. Nakakalungkot kasi dati aypalagi kaming magkasama. Ngayon, boses niya na lang ang naririnig ko. At hindi ako kuntento nun.

Bago ako natulog ay ni check ko ang calendar ng cellphone ko.

"Oh my? Monthsary namin sa Sabado!"

Isang taon at isang buwan na kami ni Clark. At sa loob ng isang taon at isang buwan, wala kaming pinalagpas na monthsary na hindi kami magkasama. Naipakilala niya na ako sa parents niya kaya malaya akong pumunta sa bahay nila. Hindi ko pa nga lang siya naipapakilala sa parents ko. Hindi kasi nagkakaroon ng time dahil ilang buwan ng pabalik balik sina mama at papa sa Alegria bago nila naisipang manatili na doon.

Natulog ako sa gabing iyon nang may baong determinasyong umuwi sa Sabado. I will go home for our monthsary! Hindi bale na kung hindi ako makauwi next week. Ang importante ay makasama ko siya sa monthsary namin.

Maaga akong nagising nung Biyernes. Pumasok ako at nanatili ang pang iinis ni Hector sa akin.

It's okay, Chesca. Bukas, uuwi ka na kay Clark. Hayaan mo na ang pang iinis ni Hector. Kaya lang, tuwing nagtatama ang mga mata naming dalawa ay lagi akong nawawala sa sarili ko.

Naglalakad lakad ako sa tabi ng soccerfield. Malayo pa lang ay kitang kita ko na si Hector na naglalaro sa covered court. Naka shoot siya at kitang kita ko ang pagsasayaw ng buntot ng buhok niya habang nag fa-fast break. Tumigil ako at pinagmasdan siya sa malayp. May grupo ng mga babae na panay ang tili at hiyaw.

"HECTOR! HECTOR! GWAPO MO! HECTOR!" Awit nila.

Hindi naman nawiwindang si Hector doon. Para bang sanay siyang maraming tumitingala, humahanga at sumasamba sa kanya.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon