Kabanata 13

1M 26.5K 7.5K
                                    

Kabanata 13

Problema

Kabadong kabado ako nang naaninag ko ang bahay namin. As usual, si lola lang ang nasa duyan at panay ang bulong niya sa kanyang sarili.

Maingat kong binuksan ang gate. Mukhang wala namang nakakahalatang pumasok ako bukod sa mga nag iingayang manok sa bakuran.

Tumingin si Lola sa akin. Lumapit ako sa kanya para mag mano. Hinayaan niya ako at tinitigan parin.

"Magandang umaga po, La." Bati ko.

"Bakit ka nandito? Ayaw kong maligo." Aniya.

Umangat ang labi ko. Minsan nakakatuwa si lola. Isip bata na dahil sa kanyang sakit.

Umupo ako sa puting bakal na upuan malapit sa duyan.

"La, kilala niyo po ba si Don William Dela Merced?"

"Si William? Yung kaibigan ni Francisco. Oo. Bakit?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Pero bago pa ako makapag formulate ng bagong question ay napatalon si lola.

"SI FRANCISCO!" Galit niyang sinabi.

Kinilabutan ako. Akala ko nakikita niya ang kaluluwa ni lolo. Pero napagtanto ko ring hindi... ito na naman siya...

"BAKIT WALANG NAKAPAGSABI SAKING PATAY NA SIYA? BAKIT DI AKO NAKAPUNTA SA BUROL NIYA?" Panay na naman ang kanyang talak.

"La..." Narinig kong lumabas si Teddy.

Laking gulat niya nang nakita ako na nandoon. Tumayo ako at inirapan na lang ang kanyang nakangising mukha. Pinasadahan niya ako nang tingin bago ako kinamusta.

"Anyare sa misyon mong bumalik ng Maynila, Chesca? Ba't ka umuwi?"

"Bakit? Gusto mo bang mabulok ako dun?" Inirapan ko siya.

"Akala ko mabubulok ka dun. Ang aga yata ng pagbabalik mo? Parang kahapon lang ay umalis ka... kahapon pa pala talaga." Humagalpak siya sa tawa.

"Tedd-" Nalaglag ang panga ni Craig nang nakita akong nakatayo doon at kausap si Teddy. "Saan ka ba galing, Chesca? At ba't bumalik ka pa? Alalang alala si mama at papa sayo at hindi ka pa makontak sa cell mo! MAAAA!"

Bago pa ako makapagsalita ay pinagtatawag na ni Craig ang mga magulang namin. Inirapan ko silang dalawa.

"Andito na po si Chesca!"

"HA? ANONG-! WA'G MO KONG BIRUIN NG GANITO CRAIG!" Narinig ko ang panginginig sa boses ni mama habang nagmamadali silang lumabas ng bahay para makita ako.

Niyakap ako ni mama. Si papa naman ay umismid sa akin. Si Tiya at Tiyo ay parehong nakahalukipkip sa gilid. Humagulhol si mama at dinama ang mukha ko. Parang kinukurot ang puso ko... kahit na ganito, pamilya ko parin talaga sila. Sila parin ang maasahan kong sumalo sakin pag walang wala na ako.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon