Kabanata 19
Hindi Ba Pwede
Nag aayos ako isang umaga para makapunta na sa school. Nagkaroon ng konting pinagkakakitaan si Teddy, Tiyo at Papa. Iyon ay ang pag aalaga ng manok. Organic chicken, di umano. Si Craig naman ay abala sa pag papagwapo. Papunta din siyang school at palagi siyang late dahil sa sukdulang pagpapagwapo niya.
"Malapit na ba ang festival days niyo, Chesca?" Tanong ni mama habang nichi-check ko ang mga laman ng bag ko.
"Opo."
"Anong meron sa festival days?" Tanong niya.
"Ewan ko. Parang foundation day din tulad noon sa school."
Sinoot ko ang bag ko sa balikat at tumayo na. Handa na akong umalis. Uminom muna ako ng tubig kaya naabutan ko pa ang isang tanong ni mama.
"Anong gagawin mo para sa festival days?"
Binaba ko ang baso at sinagot si mama, "Mmm may booth kami." Nahihiya kong sinabi. "Magbebenta ng juice. Para yun sa business subject namin, ma. Tsaka, required din ang students na mag cheering."
Napakamot ako sa ulo.
"Naku! Cheering at booth? Gagastos ba niyan?"
Ito ang unang pagkakataon sa talambuhay ko na tinanong ako ni mama nito. Kahit kailan, kahit anong gastos pa yan sa pag aaral ay hindi niya iniinda. Pero ngayon, napagtanto ko kung gaano na katagilid ang aming negosyo ngayon.
"Opo." Napalunok ako.
"O sige, sabihin mo sakin magkano nang mahanapan natin ng paraan."
Tumango ako at, "Aalis na po ako."
Iyon lang ang naging tanging laman ng isip ko. Sa halos magdadalawang buwan ko na dito sa Alegria Community College, ito pa lang ang unang beses na gagastos bukod sa mga books na binili at sa konting tuition fee.
Bumuntong hininga ako habang naglalakad sa corridor ng school.
"Laki ata ng problema natin?"
Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko.
Ganito siya palagi. Walang mintis. Araw-araw. Nag aabang siya palagi sa gate at hindi niya parin makita hanggang ngayon na ang dami dami ng nagtatampo sa kanya. Madalas kong makita sina Kathy na nag ngingitngit sa galit pero walang magawa. Tumitiklop lang. Hindi sila makaangal kasi si Hector na iyan.
Ngumisi ako kay Hector. Inuunti-unti ko ang pagsubok sa kanya. Dahil sa mga speculations ko, hindi ko maiwasang subukan kung hanggang saan siya sa pagsunod sa akin.
"Eto na nga pala ang sim card mo. Nagbago ako ng number para magkasunod lang ang number nating dalawa. Last digit lang ang magkaiba."
Ibinigay niya sa akin ang sim card. Noong isang araw kasi, pinilit niya na akong kumuha ng sim card. Sinabi ko sa kanyang wala akong pera kaya siya na mismo ang bumili ngayon.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...