Kabanata 52

1.2M 32.1K 12.8K
                                    

sorry to disappoint you. HAHA!

-----------------

Kabanata 52

Akin

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko nang hilong hilo na sa pagkakaladkad niya.

Pinikit pikit ko ang mata ko nang tumigil siya at hinarap ako.

"Chesca, anong ginagawa mo dun?" Sabay turo niya kung nasaan ang bonfire.

Nasa isang madilim na parte kami ng resort. Malayo sa mga kumakain na mga tao. Sa wakas at medyo napawi ang pagkahilo ko kaya inangat ko ang paningin ko sa kanya. Kitang kita ko ang madilim niyang titig sakin. Para bang nanghihinayang siya at nagagalit sa lahat ng ginawa. Pero habang tinititigan ko siya ay naalala ko ang babaeng ipinakilala sa kanya.

Nalulungkot ako, oo. Bumuhos sakin lahat ngayong gabi. Lahat lahat. Una, gusto ko siyang patawarin dahil mahal ko parin siya, ngunit isang linggo pa lang ng nakita ko ulit siya. Marami pa akong tanong na gustong masagot. Marami pa akong mga bagay na gustong patunayan. Hindi pwedeng isang kalabit niya lang sakin, magkakandarapa agad ako pabalik sa kanya. Natutunan ko na ang sulosyon sa lahat ng bagay ay hindi palaging puro puso. Kailangan ng balanse. Sa isang taon na pagkakakilala ko kay Hector at sa lahat ng nangyari, iyon ang naging baon ko dito sa Maynila. Dahil noon, puso ang sinunod ko, kahit na sumisigaw ang utak ko na huwag muna... masyadong maaga. Kaya ngayon, hindi ko na kayang maulit iyon.

Oo nga't sa pag ibig kailangan ibuhos ang lahat. Take the risk, ika nga. Kaya lang, nagawa ko na yun dati, at nanginginig ako sa awa sa sarili ko sa sinapit ko. Ayokong ibigay ang lahat. Kailangang mag tira ng para sa sarili. Tanga ako pero natuto na ako. At hindi ko ibibigay ang lahat. Kailangang mahalin muna natin ang sarili natin bago tayo magmahal ng iba. Dahil sa oras na iwan nila tayo, ang tanging masasandalan natin ay ang ating sarili... hindi sila.

Pangalawa, kumikirot ang puso ko. Dahil sa gabing ito, naisigaw sa harapan ko na magkaiba ang estado namin ni Hector. Mayaman siya, at wala lang ako. May mga babaeng mas babagay pa sa kanya at hindi siya tinatratong ganito. Tumatabang na ata ako dahil sa nakita ko. Wala akong magawa, siguro likas na sa mga babae na maging insecure. Ayokong isipin pero lagi gumagapang sa bawat sulok ng utak ko. Na noon sa Alegria, pakiramdam ko parehong bundok lang ang inaapakan namin. Pero ngayon, napagtanto kong nasa kapatagan lang ako, ngunit nasa ulap siya. Oo, I should be thankful dahil pinansin ako ng isang mala Diyos. Pero paano kung iiwan niya ako sa oras na marealize niyang hindi siya bagay sa isang tulad ko? Na may diyosa ring naghihintay sa kanya?

Kaya imbes na bakuran siya ay gusto ko siyang pakawalan. Gusto ko siyang hayaan. Labag man sa isip ko ay gusto ko siyang ma expose. Gusto kong makita kung paano siya dito sa Maynila. Paano kung may ibang babae, mayaman, mabait at maganda. Paano kung maraming ganun? Paano kung may mag mamahal sa kanya? Babalik parin ba siya sakin?

Nag init ang sulok ng aking mga mata. Hindi ko kayang isipin iyon. Dumudugo ang puso ko pero ang lintik kong utak ang nangunguna sa ngayon. Hindi dahil insecure ako, kundi dahil takot na akong sumugal. Dahil ngayon, ayokong magsisi.

"Naglalaro kami. Ikaw, anong ginagawa mo dun?" Suminghap ako para pigilan ang luhang nagbabadya sa mga mata ko.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon