Kabanata 43
Kuryente
When I miss him, I just close my eyes and remember how much he's hurt me... then I'm fine alone.
Madalas akong natitigilan sa gitna ng pag aayos sa apartment dahil sa kakaisip dun. Kontrolin ang puso dahil nasa baba iyon ng utak. Nasa baba iyon dahil ang utak ang mang aalipin dito, hindi pwedeng ang puso ang masunod. Tama si mama. Sana noon, ginamit ko na lang talaga si Hector. Kung alam ko lang na ganito ka sahol ang pag uugali niya ay talagang ginamit ko na lang sana siya.
Padarag kong binitiwan ang mga damit ko at ginulo ko ang buhok ko. Tuwing naiisip ko ang lahat ng katangahan ko ay bumibilis ang pintig ng puso ko sa galit at inis. Nag ngingitngit ako sa sobrang galit na nararamdaman.
Humanda ka, Hector.
Kalaunan ay natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad sa mga corridors ng school na papasukan ko na dapat bago ako pumunta ng Alegria. Naka maiksing shorts lang ako at simpleng t-shirt. Natapos na iyong exams ko at positibo ang paningin ko doon. Next week pa ang pasukan at konting estudyante lang ang meron dito.
"Hello, Kira." Malamig kong sambit sa kausap ko sa cellphone.
Humalukipkip ako at hinarap ang soccerfield mula sa corridor ng building.
"Who's this?" Boses ng bading na kaibigan ko.
"Francesca 'to. This is my new number-"
"OH MY GOD, FRANCESCA!" Tumili tili siya sa cellphone. "WHERE HAVE YOU BEEN? WALANG MAY ALAM! ANG ALAM KO LANG AY NAG BREAK KAYO NI CLARK JOSON A YEAR AGO?"
Ngumisi ako.
Nakakatawa dahil ang tagal na nun pakinggan para sakin. Dahil sa loob ng isang taon, ang daming nangyari. Sa loob ng isang taon, ang daming nagbago.
"Oo. Umuwi lang ako sa probinsya." Sagot ko.
"Ano ba yan? Yun lang ang sasabihin mo? My god, Chesca! Miss na miss na kita! Ang sabi ni Tara di mo daw sila kino contact?"
Kinagat ko ang labi ko. Paano ko sila iko-contact kung ayaw kong makipag usap sa kanila? They were my friends, alright. Pero isa sa kanila ang nagtraydor! Talagang walang dapat pagkatiwalaan sa panahon ngayon.
"Ah! Wala kasing signal sa probinsya." Paliwanag ko.
"Pero-"
"Kira," Putol ko sa kanya. "May slot pa ba sa agency ninyo? Gusto kong bumalik sa pagmomodelo."
Narinig ko ang singhap niya bago siya nagtitili.
Narinig ko pang kumalabog ang cellphone niya at napamura siya.
"Shit! Nahulog ang phone ko." Aniya. "OO! OO! DAMN! OO!" Sigaw niya. "Sabi ko naman sayo noon na kailangan mo ng Agency, diba? Eh ayaw mo kasi independent ka kasama si Clark. Well, may mabuting dinudulot din pala ang pag bibreak niyo. Ngayon, ako na ang hahandle sayo!" Tumawa siya.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...