Hindi po ito SPG, pero lalagyan ko ng warning para sa mga medyo conservative. Slightly SPG, then. :)
-----------------------------------------------
Kabanata 34
Sinasamba
Sa sobrang saya ng kanyang mga ka team ay halos di ko na masolo si Hector. May nagyaya pang mag celebrate sa labas. Pero dahil maagang nag sasara ang mga karenderya sa Alegria at pasado alas siyete na ay nagpasya silang lahat na pumunta kina Hector.
Namataan kong tumatawag si Hector sa cellphone niya habang napapalibutan siya ng kanyang mga ka team. Nandun din ang iilang taga Agri Biz na malapit sa kanila. At hindi ko kayang kaligtaan na nandoon maging si Abby, at Kathy. Isa sila sa mga umalis nang nakitang tagilid ang team.
May binulong Reese sa kay Kathy na siyang nagpalaglag ng panga nito at ang pagbaling niya sakin. Nag iwas ako ng tingin. Alam ko na agad kung bakit.
"Naku! Ang lapit lang ng bahay namin sa mansyon ng mga Dela Merced! Sana pwedeng sumama!" Sabi ni Jobel.
"Oo nga!" Singit ni Sarah.
Napakamot ako ng ulo. Seriously, hindi ko alam kung bakit nandito pa kami. Alam kong kakasagot ko lang kay Hector at di ko naman talaga gustong sumama sa kanila. Gusto ko lang namang bumati sa pagkapanalo nila.
Ayan tuloy at bumabaliktad ang sikmura ko sa kaba. May nakikita pa akong mga nakatingin sa akin habang tinitingnan si Hector.
"Tayo na nga!" Sabay hila ko sa mga kasama ko.
"Uy! Bakit? Boyfriend mo yun, pwede tayong sumama." Sabi nI Jobel.
"Tsaka overall champion sila dahil pinagbigyan natin sila, diba?" Tumatawang sambit ni Marie.
Umiling ako at hinila ulit sila paalis doon. Kaya lang nang tumalikod na ako ay agad umalingawngaw ang boses ni Hector.
"Chesca." Tawag niyang medyo nagpatahimik sa lahat.
"Chesca daw, oh!" Hinila ako ni Sarah at hinarap kay Hector.
"Hmm?" Nahihiya akong tumingin sa kanya.
Nakita kong umatras at nag give way ang bawat kaibigan niyang nakaharang sa dadaanan niya patungo sa akin.
"Punta tayo sa bahay." Yaya niya.
"Sure!" Hiyaw ng mgankasama ko.
Kinagat ko ang labi ko, "Pero gabi na, eh. Tsaka..."
"Nagpaalam na ako sa mama mo."
"P-Pumayag si mama?" Napatanong ako.
"Oo." Ngumisi siya. "Sinabi ko ring tayo na."
Kaya wala akong nagawa. Sumama ang isang batalyon sa kanya. Nagulat ako nang nagdagsaan sa labas ang iba-ibang SUV. Ang alam ko ay kina Oliver, Mathew, at Kathy daw ang apat na naglalakihang sasakyang iyon. Pupunta kaming lahat kina Hector. Narinig ko rin na nagpahanda daw si Hector para sa diumano'y victory party niya.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...