Kabanata 60
Hinabol
"Tutulak na kayo? Saan ka matutulog? Sa kanila ba?" Tanong ni papa nang lumabas na kami ni Hector.
Tumango ako. "Nandun naman classmates ko. Tsaka maaga pa kami bukas, pa. Pupunta kami ng rancho tapos magtatanong ng kung anu-ano sa tito ni Hector."
Tumango si papa at bumaling kay Hector. Siniko naman ako ni mama.
"Kayo na ba niyan ulit, Chesca?" Bulong niya.
Umiling ako.
"Bakit?"
Napangiwi ako sa tanong niya.
"O sige! Wa'g mo na nga lang sagutin. Sige... Hector..." Tumango si mama.
Wala silang binanggit tungkol sa iringan namin ni Hector noon. Sa wakas ay natuto na silang palayain ako at wa'g ng pakealaman sa desisyon ko. Mabuti iyon kahit na alam kong ang daming gumuguhit na tanong sa mga utak nila.
Nilingon ko ulit sila nang nakalabas na ako sa gate at nasa loob na si Hector sa sasakyan niya.
"Sige, ingat kayo!" Kumaway si mama at si tiya sa aming dalawa.
Tumango ako at pumasok na sa sasakyan ni Hector. Pagkapasok ko doon ay nakita kong humikab siya. Antok na rin ang isang ito. Alas diyes na rin, e. Napasarap ang kwentuhan sa bahay.
"Sa kwarto ka matulog, a?" Pasimpleng sinabi ni Hector.
"Ano ka? No way, Hector. Hindi pa naman tayo."
"Asus. Eto talaga. Tanggap na naman ako ng parents mo tsaka si lola naiiyak na satin. Kailangan na nating magkabalikan, Chesca." Aniya.
"Wala sa kanila ang desisyon, Hector. Nasakin. Di nila ako mapapangunahan kaya wa'g kang mag fefeeling diyan!" Sabay irap ko sa kanya.
Natatawa siya nang pinilit niya akong pumasok sa kwarto niya. Ang sabi kasi ng mga katulong ay natulog na halos ang lahat. Tatlong kwarto ang inukupa ng mga lalaki. Isa lang ang sa babae dahil ayaw naming maghiwa hiwalay.
"Tulog na naman sila." Bulong niya sabay higit sakin patungo sa kwarto niya.
"Ano ba, Hector!" Sabay bawi ko sa kamay ko.
Natatawa siya nang bitiwan ako. "Tulog lang naman."
Inirapan ko siya. Tulog ka dyan? Magagawa mo ba iyon? Eh, shoot nga lang na nakatayo tayong dalawa ay nag iinit ka na? Baka pag nakahiga, bigla niya na akong kulungin.
"Good night, Hector!" Sabay kaway ko at diretso sa kwarto namin.
"Tulog lang naman, e. Di naman tayo mag aano." Sigaw niya.
Namilog ang mga mata ko. Kahit na alam kong tulog na sila ay pakiramdam ko may makakarinig nun!
Padabog kong sinarado ang pintuan ng kwarto namin. Nag alala tuloy ako nang nakita kong bahagyang gumalaw si Tara dahil sa ingay na dala ko. Tulog na silang tatlo at sa kasamaang palad ay magtatabi kami ni Janine. Si Tara at Desiree ay magkadikit sa isang gilid. Bakante ang gitna habang si Janine ay nakatalikod na tulog sa dulo.
Tinaas ko ang kilay ko at humiga na doon sa kama. Pinilit kong matulog pero wala akong maisip kundi ang nakakairitang si Janine. Naiisip ko iyong paglalagay niya ng lipstick, iyong paninitig niya sa picture ni Hector, at ang paglalandi niya kay Hector. Nakakairita!
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...