Kabanata 20
Aalis Si Hector?
Hindi niya ako nireplyan. Buong period siyang tulala at mukhang galit dahil sa patuloy na pag igting ng bagang niya. Well, kung hindi mo magawa ang simpleng bagay na iyon, then I'm right. May agenda ka dito.
Tumango ako habang nakikinig kay Jobel na finafinalize lahat ng hakbang namin para makaipon ng puhunan at makapaghanap ng resources para sa produkto naming mga juice. Syempre, kakailanganin naming pumunta sa bukiring pinag tatrabahuhan ng kani kanilang mga magulang para mag harvest ng buko para sa buko juice. Napag isipan din naming mag imbento ng juice galing sa isang bulaklak bukod sa ipinagmamalaki nilang luya juice (ewan ko anong lasa nun), lemon juice (o lemonade), orange juice, apple juice, strawberry juice at iba pang galing sa prutas talaga.
Ang problema namin ay medyo mahal ito kumpara sa mga litro pack na tinutunaw lang dapat dahil isasali ang gastos sa pagpapalaki ng halaman o puno ng prutas. But we will find a way, though. Iyon ang pangako ni Mathew na mukhang maraming tanim sa kanilang bakuran. Sumulyap siya sakin at ngumisi.
"Kaya natin 'to." Aniya.
Tumango ako at ngumisi na rin.
Nang nag dismiss na ang buong klase ni Mr. Magdale ay hindi ko maiwasang bumaling kay Hector. At ang scene na naabutan ko ay iyong pagtayo ni Kathy at ang paghawak niya sa kamay nito.
Kitang kita ang panlalaki ng mga mata ni Kathy at pamumula ng kanyang pisngi. Natigilan ako at pinagmasdan ko silang dalawa. Nakita ko ang kibot sa bibig ni Hector.
"Sandali lang." Aniya.
Napalunok si Kathy. Nagmamadaling umalis ang mga kaklase namin. Ang nakapansin lang nung pangyayari ay yung mga madalas na tumitingin kay Hector. Yung mga secret admirers niyang nagkalat sa tabi tabi.
Lumingon lingon si Kathy at hinintay ang pagtayo ni Hector. He towered over her. Matangkad siya. Hanggang baba lang si Kathy. Ganun din naman ako sa kanya. May naramdaman akong pait sa kalooblooban ko. His eyes were intense. At naiintindihan ko kung bakit kitang kita ko ang pangangatog ni Kathy ngayon. Parang ipinapatawag ka ng hari sa isang espesyal na meeting. It was both a privilege and a burden. Pero hindi iyon papansinin ng ibang babae. Ako lang yata ang makakapansin sa pagiging burden nito kasi ako lang ang nakakakita sa mga nanlilisik na mga mata sa paligid.
Medyo humupa na ang mga tao. May tatlong babaeng nagsusuklay sa kani kanilang mga upuan pero nakikita kong palusot lang nila ang pagsuklay kasi gusto nilang marinig ang sasabihin ni Hector kay Kathy. May iilan ding nasa labas pero diretso sa loob ang titig. Pa discrete lang na nagmamasid.
Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo. Nilagay ko ang shoulder bag ko sa balikat at umambang aalis na pero pinigilan ako ng utos ni Hector.
"Wa'g ka munang umalis, Chesca." Matama niyang sinabi.
"Huh? Ba't naman?"
Hindi niya ako sinagot. Pagkalingon ko sa kanya ay diretso niyang sinabi ito kay Kathy, "I'm sorry sa mga pangit kong sinabi sayo. Sana mapatawad mo ako, Kathy."
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...