Kabanata 18

1.1M 28.9K 7.1K
                                    

Kabanata 18

Hanggang Saan

Kumunot ang noo ko sa ginawa at sinabi ni Hector. Lalong lalo na nang nakita ko parin ang galit sa mga mata niya habang paalis na si Koko.

Alam ko ang ginawa niya para sa akin. Kaya lang hindi ko mapigilang umiling at talikuran siya.

"Chesca?" Sumunod siya habang tinatawag ako gamit ang nagtatanong na tono.

"Yes?" Hinarap ko siya at nginitian ng plastik na ngiti.

Kumunot ang kanyang noo at nakapamaywang niya akong pinagmamasdan. "M-May problema ba?"

"Wala." Nag iwas ako ng tingin at inayos ko ang bag ko. "Sige na, Hector. Papasok na ako." Sabay muwestra ko sa classroom na punung puno ng usiserang nagtatago na feeling nila ay hindi sila nahahalata.

Kung may hindi nakakahalata ay si Hector na iyon. Ang manhid niya, sobra. Ni hindi niya man lang nakikita ngayon na may umiiyak sa gilid habang dinadaing ang pangalan niya. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa pero nakatitig lang siya sakin habang papasok ako sa pintuan.

Gusto kong ngumuso sa babae para makita niya naman o mapagalaan lang ng kanyang tingin pero hindi ko magawa dahil masama ang titig ng ibang babae doon sa akin.

Umupo na lang ako sa gilid habang pinagmamasdan siyang nakapamaywang na pinagmamasdan din ako galing sa labas.

"Chupi." Bulong ko sa sarili ko habang kinakawayan siya para malamang gusto ko na siyang umalis.

Pero ang mokong ay pinagtripan pa yata ako. Humilig siya sa pader at pinagtaasan ako ng kilay.

"Dito lang ako." Sigaw niya sakin.

Tahimik na pinagtitinginan kami ng mga tao. Nag facepalm na lang ako at hinayaan siyang nandoon hanggang sa pumasok na ang professor. Kung hindi tumunog ang bell ay hindi siya aalis doon. Siguro ay tatambay na lang siya hanggang sa matapos ang klase.

Buong klase ay wala akong ginawa kundi tumunganga at paglaruan ang ballpen ko.

Kung bakit napangiwi ako sa mga sinabi at ginawa ni Hector kanina? Maraming dahilan at mahirap sila iorganisa lahat.

Una sa lahat, hindi ako nagmamayabang pero maraming nanligaw sa akin noong highschool. May iilan sa kanilang matagal ko ng kaibigan, pero may iilan ding kakakilala ko pa lang ay lumalandi na at nagpaparamdam na agad agad. Kaya naman hindi ko sineryoso si Koko. Pakiramdam ko, hindi pagmamahal ang naramdaman niya sa akin kundi infatuation lang. Totoong niloko ko siya pero isang linggo pa lang iyon at umamin agad ako na ayaw ko naman talaga sa kanya. I get it, hindi naman sa dahil lang sa iksi ng panahon ay hindi siya in love sa akin, pero based on experience, ganun talaga. Mas maiksing panahon na magkasama kayo, mas malaki ang chance na maka move on kaagad.

Umabot pa ng isang taon ang pagkakaibigan namin ni Clark bago siya nanligaw at sinagot ko. Iyon ang naging batayan ko. Iyon ang tunay na pag ibig.

WAIT! Scratch that!

Napakamot ako sa ulo.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon