Kabanata 58
Checkmate
Pagkalabas ko ng sasakyan ni Hector ay agad kong nakita sina Desiree, Janine, at Tara na nag papapicture sa harap ng gate ng ACC.
"Guys! Picture tayo!" Anyaya nila saming lahat.
Mabilis na kumalabog ang puso ko habang nagpo-pose kami doon. Sumasama si Hector sa pose namin pero madalas siyang mawala dahil palaging may nakakamukha sa kanya.
"Hector!?" Sigaw ng isang babaeng taga Agri Business.
Iginala niya ang tingin sa lahat ng kasama ni Hector. Malapit niya na akong makita kaya agad akong nagtago sa likuran ng mga lalaki.
"Kamusta ka na?" Tanong nung babae.
"Ayos lang, Anjie. Kayo?" Sagot ni Hector.
"Ayos lang din! Naku! Pag nalaman nila na nandito ka magugulat sila!"
Nakita kong nagbulung-bulungan sina Desiree, Janine, Tara, Billy, at JV.
"Sikat pala siya, e, no?" Tanong ni Tara.
"Oo nga. Kanina pa maraming nakakakilala sa kanya." Sabi ni Billy.
"Uh, sikat siya. Malaki yung rancho nila dito." Singit ko.
Pagkatapos ng usapan ni Hector at noong babae ay kumaripas na iyong babae sa pagtakbo patungo sa loob ng school. Kinakabahan pa lalo ako. Alam ko. Alam kong ipagsasabi niya sa lahat at paniguradong ma eexcite lahat ng tao doon sa loob. Humalukipkip ako at nawalan ng gana.
"Kailangan pa ba ng form para makapasok?"
Tinaas ko ang kilay ko at nakitang KILALA ko ang guard. Siya mismo iyong guard na nakabantay noong araw na may mga seniors na nagtangka sa akin.
"Wa'g na. Di na kailangan. Ako na ang bahala." Sabi ko.
Tumango sila. "How about form para sa dean?"
"Ako na ang bahala." Sabi ni Oliver. "Tito ko ang dean." Dagdag niya.
"O! Wala palang problema!" Sabi ni JV. "Diretso na tayo?"
"Uhmmm..." Pigil ko. "Ako yung bahala sa guard, tapos diretso kayo sa dean, ah? Samahan mo na sila, Oliver. Hindi naman siguro tamang tayong lahat ang pupunta. Ang dami natin." Sabi ko.
"Ganun? O edi ako rin, dito lang." Sabi ni Clark.
"Clark, sumama ka na!" Singit ni Janine.
Luminga ako sa kanilang dalawa. Nakita kong nagkatinginan si Tara at Desiree.
"Oo nga naman, Clark. Sumama ka na kay Janine." Nakangisi at nakataas kilay kong sinabi.
Kitang kita ko ang pamumutla ng dalawa. Kumunot ang noo ni Hector sa akin. Nagkibit balikat na lang ako sa kanya at dumiretso na sa guard na nakatayo sa gate.
"Manong." Malambing kong sinabi. "Papasok po kami ng mga kaibigan ko."
Inaantok si manong, ngunit nang namukhaan ako ay nabuhayan siya ng loob. "Uy, Alde!" Bati niya.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
Roman d'amourAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...