WARNING: SPG: Lengwahe.
-----------------------
Kabanata 9
Ang Pinakamamahal Ko
"Chesca, ano na namang gagawin mo sa Maynila?" Sinusundan ako ni mama habang nilalagay lahat ng gamit ko sa pack bag ni Craig.
Hindi ko makuha iyong luggage na dinala ko dahil nasa kwarto nina mama at hindi niya ako pinapayagang lumuwas.
"Ma, ayoko dito. Ayoko!"
"Ha? Akala ko ba maayos ang naging takbo ng linggo mo?"
Pinapanood nila ako ngayong naghahalungkay ng gamit ko sa bag.
"Ano ba, Chesca!" Sigaw ni mama at hinarap ako sa kanya.
Mabilis ang paghinga ko nang hinarap ko siya.
"Doon na ako titira!" Galit kong utas.
"Ikawng bata ka, gaano ba kahirap isaksak sa kokote mo na naghihirap na tayo dito! Wala na tayong magagawa kundi manatili sa bukid! Pinaputol ko na ang kuryente at tubig sa bahay natin sa Manila! At ilang buwan na lang, ibebenta na namn iyon para mabayaran ang Alps!"
Umiling ako, kahit anong sabihin ni mama ay hindi na mapipigilan ang pag alis ko.
"Chesca!"
"Chesca, makinig ka sa mama mo." Mahinahong sabi ni tiya. "Kung sanay makakapagtrabaho ka doon ng maayos, yung may malaking sweldo, wala kaming problema!"
Matalim kong tinitigan si tiya.
"Iyon lang ba ang iniisip ninyo? What about my feelings? Paano yung... yung pakiramdam ko dito sa buong bukid na ito!"
Natahimik sila.
"Anong feelings ang sinasabi mo diyan!" Tumawa si mama na para bang nahihibang na siya sa pinagsasabi ko. "Francis! Pagsabihan mo nga yang rebelde mong anak!"
Sinarado ko ang zipper ng bag ko at bumaling kina mama at papa.
"Wa'g na wa'g kang umasa sa pera namin para sa pamasahe mo!" Galit na sigaw ni mama habang si papa naman ay panay ang buntong hininga sa gilid.
Napangiwi ako sa sinabi ni mama. Nilagpasan ko siya. Sinubukan niyang hablutin ang braso ko pero nagmatigas ako at kumawala.
"CHESCA!" Sigaw niya. "May lalaki ka ba sa Maynila! Magtatanan na ba kayo!?"
Natigilan ako sa sigaw niya. Noong highschool pa ako, lagi niyang pinaparinig sa akin na bawal na muna akong magka boyfriend. Nagsisisi daw siyang hindi siya nagtapos ng highschool dahil maaga siyang nabuntis sakin. Ayaw daw niyang matulad ako sa kanya. Kaya kahit pagbisita ng isang lalaki sa bahay ay ipinagbabawal niya.
Ito ang unang pagkakataon na tinanong niya ako tungkol sa lalaki.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...