Kabanata 66
Success Is Nothing
Ginapangan ako ng matinding kaba dahil sa titig ni Hector sa lalaking nasa harap niya. Nakita kong kumuyom ang kanyang kamao habang tinititigan niya ito.
"Hector..." Bulong ko ngunit hindi niya ako pinansin.
Nakatoon lang ang pansin niya sa lalaking nakangisi sa harapan. Nakangisi sa akin. Napapikit ako nang bigla niyang inalog ang table. Kitang kita ko na nag pigil pa siya para hindi niya iyon tuluyang mapatumba. Gumuhit ang takot at gulat sa mga mata ng mga lalaki at nang maging kay Elena.
"Hector, chill, dude!" Sabi nung lalaking namumutla na.
Mabilis ang hininga ni Hector at para bang kahit kailan ay magagawa niya ng sumabog sa galit.
"H-Hindi siya hubo't hubad. She's-She's wearing a bikini." Anang lalaki.
"Wa'g na wa'g mong mababastos si Chesca." Mariin at pabulong niyang sinabi.
Ramdam ko ang pagdidiin niya sa bawat salita sa pamamagitan ng pag hihigpit ng kanyang ngipin.
"Dude, di ko siya binabastos. Pinupuri-"
Inalog ulit ni Hector ang mesa. Napansin ko na nakatingin na ang ibang guests sa banda namin. Hinawakan ko agad ang kanyang braso sa takot na magkagulo pa lalo. Pulang pula ang kanyang mukha.
"And to my daughter, Maria Elena Aragon." Pinagpatuloy ni Mr. Aragon ang kanyang pagsasalita sa harapan. Hindi niya napansin ang kaguluhan sa table namin dahil nagpipigil pa si Hector.
Mahilaw na ngumisi at tumayo si Elena para tanggapin ang masigabong palakpakan na hinandog sa kanya ng ibang guests.
"And of course," Tumawa si Mr. Aragon habang tinititigan si Hector na hanggang ngayon ay galit parin.
Luminga ako sa dalawa. Kay Hector at kay Mr. Aragon.
"Mr. Hector Dela Merced,"
Nakatoon ang lahat ng atensyon ng mga tao sa table namin. Nakangiti sila at nakatitig kay Hector. Nakangiti din ang nakatayong si Elena habang pumapalakpak.
"Our future business partner." Dagdag ni Mr. Aragon.
Napatingin si Hector kay Mr Aragon. Bumuhos ang palakpakan ngunit hindi ko makita sa mukha niya ang ngiti.
"Tayo, Hector." Bulong ni Elena at hinila ang braso ni Hector.
Dahan dahang tumayo si Hector ngunit nanatili ang pagiging seryoso niya.
"Sana ay maging mabuti ang samahan ninyong dalawa. The future heirs of our business."
Namilog ang mga mata ko. Silang dalawa ay magmamana ng business ni Mr. Aragon? Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya roon pero tingin ko ay ang ibig niyang sabihin ay magiging magkasosyo ang dalawa sa business na ito. Umani ng masigabong palakpakan sina Hector at Elena. Ngumiti si Hector sa mga bumati at tumayo. Natuyuan ako ng lalamunan. Lalo na nung nag simulang makipagkamayan si Hector sa iba pang malalaking tao. Ganun din si Elena. Hanggang sa tuluyan na silang nawala sa dagat ng mga tao.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...