Kabanata 4
Nakakainis
Tumupad si Koko sa usapan. Nandoon na agad siya sa gate nang dumating ako sa unang araw ng eskwela. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Napapangiwi sila sa akin at hindi ko alam kung bakit.
"Sino yan? Bago?" May narinig pa akong nagsasalita sa likod ko.
Nilingon ko at sinimangutan pero hindi sila natinag. Tinakpan lang nila yung bibig nila at nakatingin parin sa akin habang nag uusap. Oo! Sige! Alam kong hindi niyo na ako pinag uusapan kasi nakatakip na kayo ng bibig. Shit lang, I'm not dumb!
Let's face it, Chesca. Ganun talaga ang mga tao. Pag may bagong mukha, iyon ang laman ng usap-usapan. Lalo na't galing sila sa iisang high school noong highschool, mas close na sila sa isa't-isa. At ako? Wala akong kilala bukod kay Koko na ngayon ay nakakunot ang noo habang tinitingnan ang sched naming dalawa.
"Alde daw." May narinig akong bumulong.
Wow! Ang bilis ng balita! May pakpak!
"Mukhang kaklase ata tayo dito." Sabay turo niya sa isang klaseng bukas pa. "Pero wala pa masyadong pasok ngayon kasi unang araw pa lang naman. Yun ang alam ko." Kumindat siya sakin.
Tumango naman ako at inayos ang buhok.
Napatingin siya sa buhok ko. Kinilabutan naman ako sa malagkit niyang titig kaya...
"Koko, pupunta na ako sa first class ko." Utas ko.
"Ha? Pero wala pang prof dun ngayon." Aniya.
Pero naglakad parin ako palayo sa kanya.
"Uy, Chesca! wait for me!" Aniya at hinabol ako sa paglalakad ko.
"Koko, mamaya na lang tayo magkita." Sabi ko nang di siya tinitingnan.
"Eh nililigawan kita, gusto ko lagi tayong nagkikita."
"Mamaya na, Koko."
Nakukuha na naming dalawa ang halos buong atensyon ng mga nasa campus. Paano ba naman kasi, panay ang habol niya sakin kahit na nag ha-halfrun na ako sa corridor.
“Koko, tama na nga yan. Ayaw daw niya.” Humalakhak ang isang nakakakilabot na boses sa classroom na papasukan ko na sana.
“Hector...” Seryosong utas ni Koko. “Pero akala ko...”
Nilingon ko agad si Koko at nginitian ko, “Ayokong magloko ka sa school. Siguro mas maganda kung pumasok ka sa klase mo at papasok din ako sakin.”
Umaliwalas ang kanyang mukha sa sinabi ko. “Tama!”
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
“Thanks, see ya later, alligater!” Aniya at umalis din.
Lintek. Ayoko na talaga. Masyado na akong kinikilabutan kay Koko. Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tapat ng pintuan. Uminit ang pisngi ko nang nakita kong nakataas ang kilay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...