Kabanata 25
Prutas
Sa araw na iyon, hinatid ako ni Hector. Ayaw ko naman sana. Kaso mapilit siya at makulit. At hindi lang pangungulit ang ginagawa niya, halos ipangalandakan niya pa sa buong school na tinatanggihan ko ang pagmamagandang loob niya sa pag hatid sa akin.
"Kung ayaw mong IHATID KITA, hindi naman kita pipilitin. PERO KASI HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KA AAYAW." Aniya habang dumadaan ang ibang tao na panay ang sagap ng bagong tsismis galing sa mga pinagsasabi niya.
Umirap na lang ako.
"Okay fine, whatever! Tumahimik ka nga!"
Ngumisi agad siya at kumindat.
Alam na alam niya na yata kung ano ang makakapagpabago sa isip ko. Iyon ay tuwing hindi siya tumatahimik at naririnig iyong ng mga tao sa paligid. Syempre, pinag pipiyestahan na nga kami ng mga issues dito, dadagdagan niya pa? Anong sasabihin ng ibang nangangarap sa kanya? Na nagmamaganda ako at nagpapahard to get? Leche talaga.
Hinawi ko ang buhok ko. Kasabay kaming naglakad ngayon sa corridors. Naka jersey parin siya at nakatingin sa akin habang ako ay diretso ang tingin at nakataas ang kilay.
"Okay ka na ba talaga?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala. "Wala na bang masakit sayo?"
"Wala na. Tsss."
"May gusto ka bang kainin? Anong gusto mong gawin?" Tanong niya.
Natigilan ako sa paglalakad at tiningnan ko siya ng naka ismid. Mukha siyang seryoso sa mga tinatanong niya. Hindi ko na tuloy alam kung maniniwala na ba talaga ako sa sinabi niya o hindi. Gusto ko siyang tanungin... gusto ko siyang tanungin kung alam niya ba ang tungkol sa labanan ng lupain namin. Gusto ko siyang i-corner. Gusto kong malaman kung ano ang saloobin niya rito pero hindi ko alam kung paano magsisimula.
Chesca, parang hindi yata tama. Siguro dapat kailangan mo pang sagarin ang pasensya niya. Muntik na siyang sumuko nang napahiya siya sa harap ng mga nasa squad. Ngayon, mas lalo mo pa dapat siyang subukan.
Humalukipkip ako at umupo sa pinakamalapit na bench.
"Oh? Akala ko ba uuwi na tayo?" Tanong niya.
"Ayoko, dito na muna ako." Sabay tingin ko sa soccerfield.
Kitang kita ko ang mga kasamahan ko sa cheering. Nag papractice parin sila hanggang ngayon. Kung sa bagay, alas kwatro pa naman at medyo mahaba pa ang oras nila sa pagpapratice. Pinahintulutan lang ako ng trainor na maunang umalis dahil masama ang pakiramdam ko kanina.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong niya habang nakatayo sa gilid ko.
"Kung gusto mo ng umuwi, edi umuwi ka na. Basta gusto ko dito." Sabi ko.
"Okay." Aniya at marahang umupo sa tabi ko.
Napatingin ako sa kanya gamit ang matatalim kong tingin. Naabutan ko pang nakangisi siya at unti-unting napawi nang nakitang kunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...