Kabanata 70

1.5M 34.8K 18.1K
                                    

Final Chap na na post ko sa IM. sorry naman. haha. goodnight

-----------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 70

Tattoo

Hinabol agad ako ni Hector. Hindi pa ako nakakalayo ay naabutan niya na ako at hinarap sa kanya. Naaninag ko agad ang medyo stressed na pagmumukha ni Elena sa di kalayuan. Huminga ng malalim si Hector at tinitigan ako.

"Nagkasalubong lang kami. Na ospital si tito." Paliwanag niyang hindi ko naman hiningi.

"Okay. Sige." Sabi ko at umamba ulit na aalis pero pinigilan niya ako.

"Come on, Ches. Kakaayos lang natin." Aniya sabay tingin ng matatalim sa akin.

Sinulyapan ko ang lumulunok na si Elena. Mukha siyang stressed at nakakaawa. Syempre, may sakit ang daddy niya, e. Ayokong maging mean sa kanya ngayong ganito ang sitwasyon kaya lang hindi ko maiwasan dahil sa nangyari kagabi.

"Ano? Dito ka na lang muna?" Mahinahon kong tanong kay Hector.

Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan akong mabuti. "Nababaliw ka na ba?" Pabulong niyang tanong.

"Your friend needs you, Hector. Baka gusto mong dito ka muna?" Tanong kong seryoso.

"Hindi, Chesca, uuwi na tayo-"

"Chesca." Nakita kong humakbang palapit ang nakaputing t-shirt at maong pants na si Elena.

Kumpara sa mga soot niya noon ay mas simple ito. Siguro naman, diba? Sino ba ang pupunta ng ospital na may soot na dress gayung naoospital ang daddy niya?

Yumuko siya nang nakalapit na ng tuluyan sa amin, "I'm sorry sa lahat ng nasabi ko." Aniya na para bang nangungumpisal na. "Yung tungkol sa FHM."

Tumango ako. Ayaw kong maging malupit pero hindi ko kayang magpakaplastik. "Okay lang naman." Bahagya akong umirap.

Nag iwas ng tingin si Elena at sumulyap kay Hector.

Hindi ko alam kung paranoid ba ako o alam ko ito dahil babae rin ako. May pagtingin talaga siya kay Hector. Isang pagnanasang kahit anong gawin niya ay mahirap iwaksi sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko. Nadatnan ako ni Elena na ganoon kaya nag iwas agad siya ng tingin sa amin ni Hector.

"Sige, maiwan ko na kayo." Mahina niyang sinabi.

"Sige, Elena. Ikamusta mo na lang ako kay tito." Ani Hector.

Tumango si Elena ngunit di siya nag angat ng tingin kay Hector.

Nanliit ang mga mata ko. Hinintay ko siyang tumalikod sa amin at pinanood ko ang pag alis niya. Nakahawak na si Hector sa braso ko at hinihigit niya na ako paalis doon.

"Let's go." Utas niya ngunit di ako nakinig. Imbes ay sinundan ko ng tingin si Elena paalis doon. "Chesca, tayo na." Ani Hector.

Nanliit ang mga mata ko nang nakita kong unti-unting humina ang paglalakad ni Elena. Nakita ko rin ang paunti unti niyang paglingon sa amin ni Hector. Pinanood kong mabuti at nabanaag ko ang kumikislap na luha sa kanyang mga mata nang natagpuan nito si Hector.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon