Warning: Medyo SPG
-------------------------
Kabanata 38
Guess What
Tinupad nga ni Hector ang plano niya. Pagkatapos ng final exams namin ay wala na kaming ibang ginawa kundi ang mamasyal sa buong Alegria.
"Hector, outing tayo! Sa Alps o di kaya sa Kampo Juan." Anyaya ni Kathy sa last day namin.
Umiling si Hector. "Kayo na magplano. May gagawin kasi kami ni Chesca." Sabay akbay sakin.
Simula nung naging kami ay sa akin na umikot ang buhay niya. Para bang walang araw na hindi kami magkasama. Iyon ang gusto niya. Yun din naman ang gusto ko kaya lang nag aalala ako dahil sa mga nagtatampo niyang mga kaibigan.
"Hector, sumama ka na lang muna kina Kathy. Okay lang naman."
Umiling siya at tumingin sakin habang inaayos ang buhok.
"Tsss." Umiling na lang din ako.
Simula nang dumating ako sa buhay niya, lahat ata ng gusto ko ay ginawa niya. Ngayong kami na, buong oras niya ginugugol niya sa akin. Ayan tuloy at parang di kumpleto ang araw ko pag hindi niya ako sinusundo. Hindi kumpleto pag walang text niya. Hindi kumpleto pag hindi ko nakikita ang gwapo niyang mukha.
Tumatawa ako nang tinitingnan ko ang puting kabayong si Abbadon.
"Ibang kabayo na kasi! Gusto ko yang sayo! Yang itim!" Sabi ko sabay turo sa isa pang kabayong dala niya.
"Hindi nga pwede. Hindi pa masyadong tamed si Gabrielle. Ako ang sasakay sa kanya. Si Abbadon ang sakyan mo."
Sumimangot ako at padarag na sumakay kay Abbadon.
Hirap ako sa pagbabalanse. Masyadong mataas si Abaddon at nakakaduwag isiping pwede kang mahulog sa kanya anytime. Mas naduduwag ako pag naglalakad siya. Kahit na hawak hawak ni Hector ang lubid ay pakiramdam ko mahuhulog parin ako pag bigla siyang tatakbo.
Ilang araw ang nakalipas ay nagawa niya nang bitiwan ang lubid habang nakasakay ako. Madaling matutunan ang pagbabalanse. Lalo na pag desidido ka sa pag aaral ng pangangabayo.
Nakita kong parang lawing nakaabang si Hector sa paninitig sakin habang pinapaikot ikot ko si Abbadon.
"Wa'g kang malikot. Baka mahulog ka." Galit niyang sinabi habang patuya kong pinapaliko liko ang kabayo.
"Mukhang okay na, Hector. Napatakbo ko siya kahapon nang di ako nahuhulog." Kinindatan ko siya.
Isang linggo naman kasi kaming buong araw na nangangabayo syempre, sinong di matututo niyan? Hinawakan ko ng mahigpit ang lubid. Tumigil si Abbadon sa tabi ni Gabrielle kung saan nakasakay si Hector. Naka t-shirt siya at shorts habang seryoso parin akong pinagmamasan.
"Let's race!" Anyaya ko.
Umiling siya, "Tinuruan kitang sumakay. Hindi para makipag race, Chesca."
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...