Kabanata 40

1M 25.4K 8.4K
                                    

Kabanata 40

Gone

Umiyak ako nang umiyak habang nakikita siyang papalayo sa akin. Galit ako sa mga sinabi niya pero nanghihina ako dahil mahal ko parin siya.

"Hector, please..." Humaulhol ako at umupo na sa damuhan.

Dinaluhan ako ni Clark. Lumuhod siya at hinawakan niya ang braso ko habang umiiyak ako. Hinahawi ko ang mga iniaalay niyang kamay.

Nakita kong humina ang paglalakad ni Hector at unti-unti niya akong nilingon. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinulak si Clark palayo. Ngunit nagbalik ang minsang nawalang malamig na tingin ni Hector sakin nang nadatnan niya kaming ganun.

"Tsss." Nagpatuloy siya sa paglakad at hindi na siya ulit lumingon pa.

"Chesca!" Tawag ni Clark sakin.

Unti unti akong bumangon. Lagi kong hinahawi ang nakalahad niyang kamay. Hinarap ko siya. Wala akong kayang ipakita sa kanya kundi ang galit at poot dahil sa ginawa niya.

"Umalis ka na dito, Clark!"

"Ch-Chesca... Wala na si Hector-"

Hindi ko na napigilan ang sampal ko. "UMALIS KA NA DITO! BUMALIK KA NA NG MAYNILA!"

"P-Pero!" Bumawi siya at tiningnan ulit ako nang taong minsan kong minahal.

"Clark... Si Hector na ang mahal ko. Siya lang. At sinira mo kaming dalawa! Hinding hindi kita mapapatawad!" Sabi ko at agad siyang tinalikuran.

"Chesca! Ang sabi ng tiya mo-"

"WALANG ALAM SI TIYA! LUPA LANG NAMIN ANG INAALALA NIYA!" Napapaos kong sigaw at tumakbo na palayo kay Clark.

Sumiklab ang galit sa aking kalamnan habang umaalis ako doon sa gazebo. Nanginginig ang mga daliri ko sa sobrang galit!

"Chesca! Kung mahal ka nung Hector, hindi ka niya pagsasalitaan ng ganyan! Chesca! Bumalik ka dito..."

Mabilis ang takbo ko. Bumagsak din ang ulan. Kahit na malamig ang bawat patak nito ay hindi ako nakaramdam ng kahit ano. Siguro ay dahil manhid na ang buong katawan ko. Dumating na sa punto na dahil sa sobrang sakit ay wala na akong maramdaman. Alam niyo yun? Yung sa sobrang sakit ay napagod na ang puso mong makiramdam. Napagod na ang buong sistema mong i-acknowledge na masakit dahil punong puno ka na...

Halos masira ang gate namin nang dumating ako. Agad napatalon si Craig sa pagdating ko. Nakaupo lang siya sa sofa at sinundan niya ako ng tingin habang kinakalat ang tubig galing sa katawan sa loob ng bahay namin.

"TIYA! MAMA!" Sigaw ko habang hinahanap ko sila.

"Oh, bakit, Chesca?" Narinig kong sambit ni mama nang lumabas sila galing sa kusina.

Pareho silang gulat na gulat sa itsura kong warak na warak. Pareho ko rin silang tinuro.

"Mga..." Kinagat ko ang labi ko. "AH!" Humagulhol ako.

"Anong nangyari?" Malambing na tanong ni mama.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon