Kabanata 56
Trip To Alegria
Naramdaman ko ang hininga ni Hector sa leeg ko. Napapikit ako at napakagat labi sa kiliting hatid nito.
"Okay! Ang galing! Very good chemistry!" Sigaw sigaw ng istorbong si Kira.
Ngumisi ako nang biglang may lumapit na mga alipores ni Kira para bigyan kaming dalawa ng mga robe.
"This is perfect! Okay na ito!" Sabi ni Kira habang sinusoot namin ni Hector ang robe na binigay.
Sinulyapan ko si Hector at kitang kita ko ang di mapawi pawing ngiti sa kanyang mukha. Damn it! Eh kung alam lang naman kasi ni Kira kung anong nangyayari kay Hector baka hinubaran na niya ito.
Inangat ni Hector ang kanyang tingin at kitang kita ko ang init ng titig niya sakin. Ngumisi ako at nilingon na lang si Kira.
"Talaga, Kir? Patingin..."
Mabilis akong nagtungo sa mga photographers kung saan ni process agad yung pictures. They were right! Magaling ang pagkakakuha ng halos lahat ng pictures namin ni Hector. Nanginig pa si Kira sa gilid ko habang tinitingnan yung isang picture na nakapikit si Hector sa leeg ko.
"Oh my gosh!" Sigaw niya. "Ang ganda ng pic na yan!"
Nagtawanan ang photographers. Dumami pa ang pictures na pinuri ni Kira sa iba't ibang anggulo. May isang photographer na kuhang kuha ang pagdiin ni Hector sa akin sa kanya.
Nilingon ako ni Kira at pinagtaasan ng kilay. "Ikaw na talaga!" Tumawa siya.
Tumawa lang din ako habang ni check ko halos lahat ng pictures. Inangat ko ang tingin ko pagkatapos kong makita ang 2nd batch. Iginala ko iyon para mahanap si Hector at laking gulat ko na ang naka robe ngunit bahagyang bukas na si Hector ay kinakausap ng sandamakmak na babae kasama na iyong si Brenda kanina.
Ngumuso ako at tinitigan sila. Tumangu tango si Hector sa isang model na mukhang may tanong. Nakangisi siya at halatang nasisiyahan sa mga pinag uusapan nila.
Nakakainis, ah? Kanina pa ito! Kanina pa ako nagseselos dito! Grrr. Nakakairita! Naghanap ako ng pugad ng mga lalaki. Ayokong ako yung nagseselos. Kaya humanda ka Hector at ikaw naman ngayon.
Nilapitan ko ang tatlong baguhag models na kasama noong mga babae. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanila kaya lang determinado akong makipag usap sa kanila.
"Alam niyo, hindi naman sa nagmamarunong ako pero ag kulang niyo kanina ay yung freedom niyo. I mean, masyado kayong conscious sa camera." Panimula ako.
Nilingon ako ng mga baguhan.
"Dapat hindi kayo masyadong conscious, boys. Mga gwapo naman kayo kaya siguradong maganda ang kuha niyo sa kahit anong anggulo."
"Tama si Chesca!" Singit ni Kira. "Kayo ang susunod sa brochure. Wa'g kayong masyadong stiff."
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...