Kabanata 57
Alegria Community College
Dala ko na ang bag ko habang hinihintay silang lahat na dumating. Si Clark at si RJ na lang iyong wala pa. Excited kasi ang girls na pumunta kaya maaga silang dumating. Alas syete yung usapan, pero 7:30AM na dumating ang ibang lalaki. Ngayon, mag aalas otso na at wala pa si Clark at RJ.
"Natagalan siguro kina RJ kasi matagal yun matapos maligo, e." Biglaang sinabi ni Janine.
At dahil panay ang picture picture ni Tara at Desiree, sakin siya bumaling. Nanliit ang mga mata ko at nginitian siya.
"Paano mo nalaman? Nagkasama na kayong maligo?"
Yumuko si Janine kaya inirapan ko na. Sige. Sumawsaw ka pa at babanatan talaga kita hanggang sa maubos yang hiya mo. Natahimik siya.
"Halikayo dito, Janine, Chesca! Picture tayong apat!" Sigaw ni Desiree sabay bigay kay Billy sa DSLR na camera niya.
Agad akong tumayo at lumapit sa kanila. Nasa Mcdo kami ngayon. Usapan kasi na dito ime-meet ang lahat bago tumulak patungong Alegria. Dito na rin kami bumili ng makakain sa daanan kahit na marami silang pinamili kahapon. Nag grocery talaga daw sina Desiree para sa dalawang gabing stay namin doon. Gusto pa nga nilang iextend pero ewan ko ba kung magugustuhan nila iyon. Byahe pa lang ay nakakapagod na agad, e. Siyam o walong oras depende sa bilis ng driver. Panigurado nasa 4PM o 5PM ang dating namin doon.
Nakapag picture kaming apat kung saan malayong malayo si Janine sa akin dahil baka masampal ko siya kung lumapit siya sa mukha ko.
"Hindi ka ba bibili ng pagkain mo, Ches?" Tanong ni Tara.
Nilingon ko si Hector na ngayon ay kakarating lang galing sa counter para bilhan ako ng pagkain. "Hindi na."
"Uy! Anong oras kaya tayong dadating?" Singit ni Desiree.
"Mga 4 or 5?" Sagot ko.
Umupo kami sa iisang table. Mukha talagang may pupuntahan kaming malayo. Naka shoulder bag lang ako dahil may damit naman ako sa bahay. At isa pa, yung ibang damit ko ay nasa bag ni Hector. Sila naman ay may malalaking bagahe. Kulang na lang ay mag maleta sina Tara at Janine.
"Uy! Pagkarating natin doon, pasyal tayo!" Anyaya ni Desiree.
"Oo nga!" Dagdag ni Janine. "Hector, saan ba magandang mamasyal doon?"
Nanliit ang mga mata ko kay Janine.
"Uh. Kampo Juan, Tinago, Alps, marami, e."
"Hala! Oo nga pala. Hindi ba shiftee ka Hector? Anong course mo nung nasa Alegria ka pa?" Usisa ni Tara.
"Agri Business." Sagot ni Hector.
Tumango silang lahat. "Kaya pala hindi kayo magkakilala ni Chesca."
Nilingon ako ni Hector. Nag kibit balikat ako.
Wala akong sinabi na hindi kita kilala, a? Nag assume lang sila na hindi tayo magkakilala. Kaya wa'g mo akong tingnan ng ganyan.
"Saan ba kayo nag aral?" Tanong ng naka earphones na si JV.
"Sa Alegria Community College." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...