Kabanata 30
Free Hugs
Humugot ako ng malalim na hininga at lalagpasan na sana siya sa sobrang kaba ko. Ngunit hindi ko namalayan na hinahawakan niya pala ang kamay ko. Ayaw niyang gumalaw. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero nakatayo lang siya doon at nakatingin sa akin ng seryoso.
"Hector, uwi na tayo. Nilalamok na tayo dito." Utas ko nang di makatingin sa kanya sa sobrang pag iinit ng pisngi.
Damn! We kissed! At kahit mababaw na halik lang iyon, naghuramentado na agad ang puso ko!It feels like my first time kahit na nakailang beses na kami ni Clark noon. Para akong bumabalik ulit sa babaeng naagawan ng first kiss!
"Hindi mo pa ako sinasagot." Aniya.
Kumunot ang noo ko. Hindi ako sigurado kung aling sagot ang tinutukoy niya. Sagot sa panliligaw o sagot sa tanong niya.
"Hector!" Saway ko.
Unti-unting nag angat ang kanyang labi.
Damn he's just so hot! Lahat ata ng aksyon niya ay nakakapagpatunaw sa akin. Hindi ko na alam kung bakit ganito na lang ang kanyang nagagawa sa akin.
"Hinalikan kita, hindi ka nanlaban. Ano ang ibig sabihin nun?" Ngumisi siya.
"Adik! Nanlaban ako! Ang lakas mo lang kaya di kita naitulak!" Inirapan ko siya kahit na alam kong nag aangat na rin ang labi ko. Gusto kong matawa.
"Oh, naghihintay ako ng sampal pagkatapos. Bakit wala?"
"At naghahanap ka ng sampal? Bitiwan mo ang kamay ko para masampal kita."
Tumawa siya, "Lalong di ko bibitiwan ang kamay mo, Alde."
Biglang may dumaan na mga tricycle kaya nahila ko siya sa paglalakad pabalik ng bahay namin.
"Tayo na kasi!" Sabi ko dahil mahirap parin siyang hilahin.
"Nainis ako kanina sa cheering niyo. Kitang kita yung hita mo sa uniform niyo." Matabang niyang sinabi.
"Oo. Wala naman akong magagawa tsaka tapos na yun."
"Hindi yun pwede sakin." Aniya.
"Wala ka namang magagawa kasi yun ang soot namin talaga. Tsaka kami naman ang nanalo kaya no regrets." Sabi ko.
"Oh bakit di ka na nood ng game ko?" Tanong niya.
"Paano ako manonood kung basang basa ako kanina, duh!" Umirap ako sa kawalan.
"Huh? Anong basang basa?" Bakas sa tanong niya ang pagtataka at pagkagulat.
"Eh diba nga binuhusan ako ng tubig ni Abby?"
Mabilis niya akong hinarap ulit sa kanya. Napatigil kaming dalawa sa paglalakad.
"Anong sabi mo?"
Nanlaki ang mga mata ko.
Oh my God! Wa'g niyong sabihing hindi niya alam ang nangyari? Ano ba kasi ang sinabi ni Kathy sa kanya?
BINABASA MO ANG
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
RomanceAlam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinai...