WMPTIM

532K 9.5K 2.2K
                                    

WMPTIM TRILOGY

#1 When Ms. Panget Transforms into Maganda •

#2 WMPTIM 2: C and C

#3 WMPTIM 3: Perfect Together

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

A little reminder: If you are not into cliche stories, then this story is not for you. Thank you.

( ꈍᴗꈍ)

Kinakabahan na ako sa magiging resulta. Magkahawak na ang dalawa kong kamay at nananalangin na'ko sa sobrang kaba.

"The Miss Universe 2... is Camille Ocampo!" Anunsyo ng host ng Miss Universe. Para akong na-semento sa kinatatayuan ko no'ng sabihin niya ang pangalan ko!

"WAAAH!" Tumili na ako sa sobrang saya! Nagulantang na 'yung mga tao na nandito ngayon dahil sa pagtili ko!

Hanggang sa...

Bakit basa? Parang umuulan? Pero wala namang ulan? Hala ka. Ano 'to?

"Camille, anak. Gising na."

Iminulat ko na ang mga mata ko.

So, ayun naman pala. Nananaginip lang ako.

Hay nako, akala ko totoo na. Hanggang panaginip na lang talaga.

May hawak-hawak si Papa na pangwisik kapag nagpaplantsa. Iwinisik lang naman niya ito sa mukha ko. Ayos 'di ba? Ito ang lagi niyang ipinanggigising sa akin.

"Bumangon ka na d'yan, first day mo pa naman." Sabi sa akin ni Papa kaya tumayo na ako at pumunta sa cr.

Naglakad na ako papunta sa bagong school na papasukan ko. "Wah. Ang ganda ng panahon. Sana kasing ganda na lang kita. Hays." Sabi ko na lang.

Nakakainip, ang layo din pala. E, kung kumanta kaya ako?

"I'm gonna swing from the chaaa-" Napahinto ako sa pagkanta ko. Paano, pumiyok ako. Hindi ko kasi nahasa nang ayos 'yung lalamunan ko kahapon.

Bahala na, kakanta na lang ulit ako. Wala namang nakaririnig.

Sa pangatlong beses ng pagkanta ko, biglang nagalit ang langit at kumidlat nang pagkalakas-lakas.

"Pasensya na ho, hindi na po ako kakanta. 'Wag ka lang uulan." Kasi naman, e!

Maglalakad na ulit sana ako kaso biglang may dumaan na lalaki sa gilid ko.

"Malasin ka nga naman o, may nakasabay pa 'kong pangit. Tapos babagyo pa yata nang dahil sa boses n'ya. Tsk." Sabi nung lalaki.

"Hoy lalake, akala mo ba hindi ko naririnig 'yang mga tinatalak mo d'yan?" Sabi ko ro'n sa lalaki.

Sobra 'to, porket gwapo ka? Hay nako, mga tao talaga ngayon.

"Syempre naririnig mo, may tenga ka 'di ba?" Sagot nung lalaki sa 'kin.

"Aba't pilosopo to ah.." Bulong ko na lang. Kainis 'to. Pasalamat siya hindi ako mahilig pumatol. Nako talaga.

"Hoy, ako bang pinariringgan mo ng pangit?" Pagtataray ko.

"Try to look around.. At tignan mo kung sino ang pangit na makikita mo." Sabi nung lalaki sa akin at pagkatapos ay ngumisi pa ito.

Ako naman 'tong si utu-uto, inilibot ko ang paningin ko.

"May nakita kang pangit?" Tanong nung lalaki.

"Wala." Sagot ko. Wala naman talaga eh.

"Then try to get a mirror and look at yourself. Tapos, malalaman mo na ang sagot sa katanungan ko."

Teka nga, ako ba 'yung tinutukoy nung lalaki?

Aba't walang..

"Aba't ako ba ang sinasabi mong pangit? Wow, nahiya naman ako sa 'yo." Sabi ko na lang sa kaniya. Wala na akong ma-say. Totoo naman kasi yung sinasabi niya. Hays.

"Mahiya ka talaga, ang gwapu-gwapo ko kaya." Pagmamayabang niya.

Ang ginawa ko na lang, hinawi ko 'yung buhok ko, 'yung tatamaan talaga ang mukha niya.

"Tsk. Ang pangit na nga, ang bahu-baho pa ng buhok." Reklamo nung lalaki saka nagpatuloy na sa paglalakad.

"Aba't! Grabe, 'yung lalaking 'yon! Dadaan na nga lang! Mga tao talaga ngayon!" Singhal ko nang makalayo na 'yung lalaki.

"Ang bango-bango kaya ng buhok ko."

WE ARE BEAUTIFUL IN OUR OWN WAY.

Date created: 2016
Edited: 2021

Happy reading, my byeols!

©Bianczx

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon