Chapter 14

139K 4.5K 243
                                    

CAMILLE'S POV

"Ate Camille!"

Tawag sa akin ni Sophie kaya liningon ko agad siya.

"Bakit?" Sagot ko sa kaniya nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng bahay.

"Who's that guy?" Tanong niya habang nakakawit ang braso sa akin.

"Secret." Sabi ko habang tinatanggal ang suot kong heels.

"Tell me, please." Pakiusap niya. Hindi niya talaga ako binibitiwan hanggang hindi ko sinasagot ang tanong niya.

"Si Sky, batchmate ko."

"Shemay!" Sigaw niya.

"Huy, 'wag kang maingay. Hatinggabi na oh." Saway ko sa kaniya saka naupo muna sa sofa. Wala na sina Papa rito sa baba dahil nagpapahinga na at malalim na ang gabi.

"I'm sorry.. Pero ano'ng surname niya?" Tanong pa niya.

"Hindi ko alam eh." Pagkibit-balikat ko.

"Bakit, ano'ng meron?" Sandali ko munang ipinikit ang mga mata ko habang nakasandal sa upuan.

"Wala wala." Mabilis niyang sagot saka nagmadaling umakyat.

Ano'ng meron? Feeling ko may something.

Ilang sandali pa at napagpasyahan kong umakyat na para magpahinga.

Nag-half bath ako at nag-toothbrush. Nakakapagod ang gabing 'to, pero masaya dahil nadagdagan ang allowance ko at may mga bago pa akong nakilala!





CHARLES' POV

Nang makaakyat si Camille sa taas, siya namang pagpasok ko. Kanina, bababa na sana ako mula sa sasakyan ko, kaso, nakita ko may isang sasakyang dumating at nakita kong bumaba si Camille roon.

Kaya nang makapasok na siya sa loob, bumaba na rin ako. Nang malapit na ako sa may pintuan, hindi muna ako dumiretso dahil narinig kong nag-uusap sina Camille at Sophie.

Narinig kong si Sky ang naghatid sa kaniya. Ang may-ari lang naman ng school kung saan kami pumapasok. Fourth year din siya pero hindi namin siya ka-section.

Napagpasyahan kong umakyat na rin sa taas para makapagpahinga na.

Pagpasok ko sa kwarto ko, naalala ko na naman 'yung nakita ko kanina. Itinatak ko na sa isip ko na hindi na ako paaapekto kay Nadine, pero bakit hindi ko pa rin kayang tiisin na tignan sila? Nakakasira ng ulo!

Binasag ko lahat ng makita kong gamit dito sa loob ng kwarto ko. Gagong pagmamahal 'to, napakahirap!

Nakita kong magkasama sina Nadine at James kanina sa may parking lot. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila, pero sa paningin ko, parang naghahalikan silang dalawa.

Masakit pa rin sa akin na makita 'yon dahil mahal ko pa siya! Hindi ko alam kung bakit nagpapakatanga pa ako sa kaniya, e, ayaw naman na niya sa akin. Pakiramdam ko hindi niya ako minahal nang totoo dahil napakabilis niyang nakausad. Samantalang ako, ito, hirap na hirap pa rin.

Ang hinihiling ko lang naman sa kaniya noon ay pakinggan niya ako, pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita.

Alam ng Diyos na wala akong ginawang kasalanan. Mahal na mahal ko siya kaya hindi ako gagawa ng anumang bagay na makasasakit sa kaniya.

Flashback...

Dinukot ako ng mga lalake na may takip sa mukha at isinakay ako sa van, pagkatapos, pagdating namin sa isang abandonadong gusali ay iginapos nila ako.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon