CAMILLE'S POV
Naalimpungatan ako, dahil niyuyugyog ako ni Charles at nung bumangon ako...
*smack*
O to the M to the G, first kiss ko yooooooooon!
Para kaming statwa ditong dalawa, nakatitig siya sa akin na nanlalaki ang mga mata at ganuon rin ako sa kaniya.
"A...ahh, mauuna na akong bumaba."nauutal kong sabi saka bumaba na kaagad sa sasakyan. Pagbaba ko, dali-dali akong naglakad papasok sa loob ng bahay.
Grabe, hindi ako makapaniwalang nahalikan na ako. Napatigil ako sa may pinto at ginulo-gulo ang buhok ko. "AAAAAHHH!"hindi mawala sa isip ko. First kiss ko 'yon eh.
Biglang may tumapik sa balikat ko at nagulat ako, dahan-dahan akong tumingin sa gawi nito at...
😱
Si Charles, tumakbo na ako papasok ng bahay. Diretso sa taas sa kwarto ko.
Pag-akyat ko, nag-dive ako sa kama ko saka nagkulubong.
"AHHHHHHHH!"tumili ako para medyo mabawasan 'yong nararamdaman ko.
Alam mo yung feeling na hindi malaman kung ano, ikaw ba naman kasing mahalikan diba? Diba? Diba? Juice colored, hindi ko gustong ganito ang maging first kiss ko.
CHARLES' POV
Nung una, nagulat ako. Pero smack lang naman 'yon kaya wala lang yon. Ewan ko ba kung bakit ganon nalang ang reaction ni Camille eh. First time ba niya? Awts.
Kanina, sumunod narin ako sa kaniya. At nung tumigil siya sa may pintuan, tinapik ko ang balikat niya. At 'yon, gulat na gulat. Sabay takbo sa loob paitaas.
Napatawa nalang ako eh, tapos non dumiretso narin ako sa taas at narinig ko sa kabilang kwarto kung saan yung kwarto ni Camille, tumili siya ng pagkalakas-lakas.
"Kuya, anong nangyayari kay Ate Camille?"takang tanong ni Sophie.
"Ewan ko don."sagot ko nalang saka pumasok na sa silid ko.
SOPHIE'S POV
Parang may nasesense ako.
Kasi, kanina si Ate Camille tumakbo ng pagkabilis-bilis papasok sa loob ng bahay hanggang makaakyat siya sa taas.
May nangyari ba sa kanila ni kuya?
Pansin ko naman kay kuya, sinusundan niya ng tingin si Ate Camille.
Kailangan kong malaman kung anong nangyari, nakakacurious eh. At hindi ako mapipirmi sa isang lugar hanggang hindi ko nalalaman.
Okay, DETECTIVE SOPHIE. BE READY.
I decided na puntahan si Ate Camille, I want to ask her kung anong meron.
*TOK *TOK
"Sino 'yan?"tanong ni Ate Camille mula sa loob.
"Si Sophie 'to ate."sagot ko. Agad naman niyang binuksan ang pintuan at hinila ako kaagad sa loob at inilock ang pinto.
"What happened?"I asked. My goodness, namumula siya. "Are you sick?"tanong ko at inilapat ang kamay ko sa noo niya. Ang lapad pala ng forehead niya. Hindi naman siya maiinit. "May nangyaring hindi mo inaasahan ano?"tanong ko pa. At sa pagkakataong ito, nanlaki ang mga mata niya. Kinuha niya ang isang unan at itinakip sa mukha niya.
Sabi ko na eh, may nangyari nga. "I know na hindi mo ako masasagot ngayon, bukas nalang kapag okay ka na. Relax yourself first."sabi ko saka lumabas na ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx