CAMILLE'S POV
Gulat akong napatingin sa kanilang lahat nang batiin nila ako. Hindi ko inakalang may ganito pa pagdating ko. "Welcome back, mahal ko."nakangiting sambit ni Charles.
Nagsilapitan silang lahat sa akin at muli akong binati. Parang palengke na sa ingay ang multipurpose hall ngayon.
Bigla nalang akong naiyak, tears of joy.
"Oh, bakit umiiyak ka?"alalang tanong sa akin ni Charles.
"Tears of joy lang."nakangiting sagot ko saka pinahiran ang mga luha ko. Nagpunta na kami sa gitna upang magsalo-salo. Parang may birthday ngayon, ang ganda ng pagka-ayos ng mga table at upuan. Ang ganda ng table cloth. Talagang pinaghandaan nila. Ang sasarap din ng mga pagkain.
"Maraming salamat po sa inyong lahat."sambit ko habang hawak ang mikropono. Nagpalakpakan silang lahat, hanggang sa...
"What the h*ll?!"rinig naming sigaw ng isang babae, kaya napatingin kami sa kaniyang gawi.
"AHAHAHAHA!"tawanan ng karamihan. Hindi ko maaninag ang babae dahil nasa may pintuan siya malayo sa kinatatayuan ko.
"NADIIIIINE!"galit pa niyang sigaw. Ano namang kinalaman ni Nadine? Nagtatakbo naman si Nadine papunta sa kaniya. Kami naman ay naglakad na papalapit sa kanila.
"Bagay na bagay sa kaniya, matchy-matchy sila ng table."natatawang sambit ni Odessa sa mga kasama niya.
"What's the meaning of this?"galit na sambit ni Milliseth kay Nadine. Oo, si Milliseth nga ang babaeng iyon. Sina Nadine, Sky, at Lawrence, kita kong pinipigilan ang pagbulusok ng tawa nila. "Hey! Answer me!"sigaw ni Milliseth.
"What's goin' on?"takang tanong ni Ms. Bas, kasunod nito ang iba pang mga guro. Nang makita nila si Milliseth, agad silang yumuko dahil pinipigilan nilang matawa.
"Grrr! Magtutuos tayo Nadine!"inis na sambit ni Milliseth saka hinila si Nadine palabas. Pasikreto naman kaming sumunod sa kanila, upang matunghayan ang sinasabi niyang "pagtutuos". Kahit ako natatawa, pero pinipigilan ko lang. Kahit hindi ko gustong matawa, nakakatawa talaga.
NADINE'S POV
"Anong ibig sabihin ng lahat ng 'yon?"seryosong sambit ni Milliseth sa akin matapos niya akong bitiwan.
"Kita mo naman diba? Matchy-matchy kayo ng table cloth?"sarkastikong sagot ko.
"Pero diba ang napag-usapan natin ay kay Camille mangyayari 'yon?"sambit pa niya.
"Aba't sa tingin mo gagawin ko 'yon? Tss."sagot ko sa kaniya.
"So pinagplanuhan mo ang lahat ng 'to? You're sabotaging me? The h*ll."hindi makapaniwalang sambit nito.
"Obvious naman diba? Kulang kasi ng tornilyo 'yang utak mo kaya hindi gumagana ng mabuti 'yang ulo mo. Kaya hindi mo naisip na ganito ang takbo ng plano ko."umiling-iling pa ako. "Atsaka, salamat sa'yo. Ikaw din ang nagbigay ng plano na 'to, kaso sa'yo nga lang nangyari."dagdag ko pa.
Pagbubuhatan niya sana ako ng kamay, kaso biglang dumating si James at naharangan niya ito kaagad.
"Mga wala kayong kwenta!"sigaw nito saka binawi ang kamay kay James at umalis na.
Kami pa ngayon ang walang kwenta? Bravo.
Bumalik na kami sa loob at ipinagpatuloy ang party, hindi pwedeng maudlot ang kasiyahan nang dahil sa kaniya. Minsan lang siyang mapahiya, buti nga hindi siya nasaktan katulad ni Camille, kung naaalala niyo pa 'yong mga ginawa niya kay Camille.

BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Novela JuvenilDate created: September 2016 ©Bianczx