Chapter 5

145K 4.5K 149
                                    

CAMILLE'S POV

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Charles, at pagsilip ko ro'n ay wala siya. Nasa'n kaya ang mokong na 'yon?

Panigurado kapag nakita niya 'ko, magbabangayan na naman kaming dalawa.

Pero in fairness ah, ang linis niya sa kwarto. Hindi katulad ng ibang lalaki na tambak dito tambak doon ang mga gamit.

Habang iginagala ko ang paningin ko sa kwarto niya, nakuha ng kisame ang atensyon ko.

May nakadikit do'n na mosaic. Isang lalaki at isang babae. Tinignan ko pa 'yon nang maigi para mamukhaan kung sino ang mga 'yon.

Si Charles at Nadine.

Katulad nga nang narinig ko kanina, dati silang in a relationship. Ano kaya'ng ginawa ni Charles at nag-break sila? Hindi na 'ko magtataka kung ugali man nung lalaking 'yon ang dahilan.

Napagdesisyunan kong lumabas na dahil baka kung ano pa ang isipin no'n kapag naabutan ako sa kwarto niya. May pagka-judgemental pa naman 'yung taong 'yon.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto...

"Ano'ng ginawa mo sa loob? Ba't pumasok ka sa kwarto ko? May binabalak kang gawin sa 'kin 'no?" Kunwari pang seryoso ang mukha niya, pero halata namang nang-aasar siya dahil sa tono ng pananalita niya!

"Wow ha? Ano naman ang gagawin ko sa 'yo?" Depensa ko. "Excuse me lang. Sa itsura kong 'to? Mahiya ka naman." Pagtataray ko pa.

"Dapat ko bang ikahiya ang mukhang 'to?" Pagyayabang niya. "Siguro kung ikaw, dapat siguro mahiya ka." Sabi niya na ikinagulat ko. Aba't napakawalanghiya!

"Hayop na 'to, dinamay na naman ang itsura ko! " Singhal ko. "Sana ipisin ka mamaya d'yan sa kwarto mo!" Inis na sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.

Kainis! Sa tuwing mag-uusap ba kami, lagi na lang bang masasama ang itsura ko sa usapan? Badtrip na 'yan.

Kinabukasan...

"Mauuna na po ako." Paalam ko. Maglalakad na sana 'ko palabas ng bahay nang bigla namang dumaan si Charles sa harapan ko. Napakawalang modo talaga. Ang sarap pasikipan ng turnilyo sa ulo eh.

"Ija, ipahahatid na kita sa driver para hindi ka na mapagod pa sa pag co-commute." Anyaya ni Tito Benjie. Ang bait talaga niya. Lalo tuloy akong nagtataka kung anak ba talaga niya si Charles.

"Talaga po?" Tanong ko.

"Oo, ija." Nakangiting sagot niya sa akin.

"Hi, Ate Camille!" Rinig kong sabay na sigaw nina Kitty at Sophie. Ito rin sila ang babait nila. Itanong ko kaya kung kapatid nila si Charles? Char. Magkakamukha naman sila kaya 'di mapagkakaila na magkakapatid sila.

"Hello." Nakangiting sagot ko.

"Sabay ka na sa 'min ni Kitty." Anyaya ni Sophie.

"Okay lang?" Nag-aalangang tanong ko sa kanila.

"Oo naman, Ate Camille! We're not like our Kuya na masungit." Natatawang sabi niya.

"Let's go na mga Ate?" Singit ni Kitty. Hila-hila niya 'yung trolley bag niya na Little Mermaid. Ang cute.

"Tara." Sabi ko. Kailangan na rin naming umalis dahil baka ma-traffic kami.

"Dad, we're going na po." Paalam ni Sophie kay Tito Benjie saka humalik sa pisngi. After no'n, lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan nila.

"Sophie, may tanong ako sa 'yo."

"What is it, Ate Camille?" Sagot niya saka tinanggal ang isang earphone at humarap sa akin.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon