SOPHIE'S POV
Ano naman kaya ang itatanong niya sa akin? Kinakabahan naman ako.
"Ano po 'yon Kuya Sky?"palunok-lunok na sagot ko sa kaniya.
"Pwede ba kitang maging ka-partner sa Ball Night next week?"agad niyang sagot.
Teka, panaginip lang ba ito? Kung oo, 'wag niyo na akong gisingin. Ang matagal ko nang hinahangaang tao, inaaya akong maging ka-partner niya sa ball night?
"Sophie."tawag niya sa akin, habang iwinawagayway ang kamay sa aking harapan. "Okay ka lang?"tanong pa ulit niya.
"A...ano nga ulit 'yong tanong mo?"tanong ko sa kaniya, bumalik na ako sa aking huwisyo.
"Kung pwede ba kitang makapartner sa ball night."sagot niya habang magkakrus ang dalawang braso.
"Ah...sige."utal kong sagot sa kaniya.
"Talaga?!"gulat nitong tanong at hinawakan ako sa magkabilang braso. Kaya pati ako nagulat.
Tumango-tango nalang ako bilang sagot ko.
"Salamat! Salamat!"masiglang sabi nito. "Saan mo gustong kumain? Iti-treat kita."dagdag pa nito.
"Ako? Iti-treat mo?"tanong ko pa ulit, habang nakaturo sa sarili ko.
"Oo naman, bakit?"nakangiting sagot nito sa akin. Ano ba, 'wag mo akong ngingitian ng ganiyan. Lalo akong nafo-fall sayo eh.
"Saka nalang, may gagawin pa kasi ako eh."tanggi ko. Gusto ko ng mailabas 'tong kilig ko, dahil baka mamaya kapag magkasama kami hindi ko mapigilan. Nakakahiya naman.
"Kung ganon, next time nalang."sagot nito. Tumango-tango nalang ako. "Paano, mauuna na ako."paalam nito saka tinapik ang braso ko at tumalikod na. 'Yong mga galawan niya hindi ko talaga kinakaya eh, grabeeee!
Nagtatakbo ako papunta sa lugar kung saan nakapark ang sasakyan namin. "AAAAHHHH!"tili ko sa sobrang kilig na hindi ko mailabas-labas kanina. "WAAAAHHH!"sigaw ko pa. Ayos na ulit ang pakiramdam ko.
CAMILLE'S POV
Andito kaming lahat na Tanzanite Section sa studio 2 para magpractice. Kami kasi 'yong naka schedule ngayon dito. Ang ieensayo namin ngayon ay para sa ball night. Ang sayaw namin.
"Everyone, please be seated."panimula ni Sir Aurelio, ang teacher namin sa physical education. May kasama siyang isang lalaki at isang babae, at sa tingin ko ay ito ang magtuturo sa amin ng sayaw.
"Ang bawat seksyon ay magtatanghal ng isang sayaw, isang pormal na sayaw. Ang sayaw na ito ay magkapares, isang babae at isang lalaki. Kayo ay pagpaparisin ko, kaya huwag kayong magrereklamo kung sino ang maging kapartner niyo. Maliwanag ba?"paliwanag ni Sir Aurelio.
"Yes sir!"sagot naming lahat.
"At sana, makisama kayo. Huwag kayong magpapasaway."dagdag pa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/85421136-288-k93273.jpg)
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Novela JuvenilDate created: September 2016 ©Bianczx