CHARLES' POV
Nagising ako sa mataas na sikat ng araw na tumatagos sa aking bintana at tumata sa aking malalambot na pisngi. Iminulat ko ang aking mata, kinusot-kusot ito at saka tinignan ang orasan. Alas-nuebe na pala ng umaga.
Kagabi ay napatagal pa ng kaunti ang aming pag-uusap ni Camille at kumain pa kami ng ilang pack ng chips. At nang kami ay antukin na, pumunta na kami sa kani-kaniyang mga silid.
Tumayo na ako at inayos ang aking higaan, naghilamos at nagsipilyo saka tuluyan nang lumabas.
Bakit ang tahimik masyado? Umalis na siguro sina papa, pero parang kakaiba talaga eh. "Manang! Yaya!"malakas na tawag ko sa kanila, kaso ni isa ay walang sumasagot sa akin. Tuluyan na akong bumaba at dumiretso sa labas, at duon ko naabutan si manong na naglilinis ng sasakyan.
"Manong, nasaan ho sina manang?"tanong ko. "Umalis po kaninang madaling araw, nagpaalam sa papa niyo na may emergency sa probinsya nila. At ang iba naman ay ganuon din."paliwanag nito. Paano na kami makakakain niyan? Umalis na nga sila papa, pati ba naman sina manang?
"Sino na ho ang magluluto ng pagkain namin niyan?"tanong ko pa. "Pasensya na ho sir, pero itlog lang ho ang kaya kong ipaglingkod sa inyo."naiilang na sagot nito at pangiti-ngiti pa. "Ayoko ng itlog."sagot ko dahil ayoko talaga ng itlog. Inaamin ko, hindi talaga ako marunong pagdating sa pagluluto. Pagpapakulo lang ng tubig ang alam ko.
Napagdesisyonan ko nalang na bumalik sa loob at tumingin sa ref ng luto nang pagkain. Mga frozen foods, kailangan pa iprito. Kinuha ko ito at ibinabad sa tubig para palambutin. Ito ang unang beses na magluluto ako, sana maging successful.
Sinimulan ko nang magpainit ng kawali at nilagyan ito ng mantika, at saka inilagay ang hotdog saka ang tocino. Naupo muna ako at nagkalikot ng cellphone habang naghihintay.
Hanggang sa...
"What's that smell?"takang tanong ni Sophie habang bumababa sa hagdan. Inamoy ko rin kung ano ito. "Sh*t! Yung piniprito ko!"gulat na sabi ko nang maalala ko ang iniluluto ko. Agad akong tumakbo sa may kusina upang tignan ito.
"What's that?!"gulat na sabi ni Sophie nang makita ang nasunog na hotdog at tocino. Paano na namin 'to kakainin? Sunog. Napakamot nalang ako sa sentido ko. "Kuya, nagugutom na ako."pahiwatig nito sa akin. "Kumain ka nalang muna ng biscuit diyan, hindi nila tayo ipinagluto ng pagkain."mapait na sabi ko sa kaniya saka bumalik sa sala at naupo. Isinandal ang ulo at pumikit.
"Good morning!"rinig kong bati ni Camille. "Walang good sa morning."singhal ko.
CAMILLE'S POV
"Anong problema ng kuya mo?"tanong ko kay Sophie na kumakain ngayon ng cake at naupo ako sa tabi niya. "Wala kasi siyang makain."sagot nito. "Ha? Walang makain?"ulit ko pa at tumango nalang siya. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kusina. "Ano 'yon?"mahinang sambit ko saka nilapitan ang kitchen sink.
Sunog na hotdog? At tocino? "Sophie anong nangyari dito? Ba't nagkaganito?"takang tanong ko sa kaniya. "'Yan pa ang isang dahilan kung bakit sumama bigla ang timpla ni kuya."sagot nito sa akin. Para hotdog at tocino hindi maiprito ng maayos? Hays. Hindi kayo mabubuhay ng kayo lang.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx