CHAPTER 42 ❤ PAGBABALIK

108K 2.8K 626
                                    

CHARLES' POV

Lumabas nalang ako ng room, nakakabwisit 'yong Lawrence na 'yon. Kung umasta, sila na ba? Hays.

Biglang nagvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko, kinuha ko ito at sinilip kung sino ang nagmessage.

"I'M BACK."

'Yan ang message sa akin ng hindi ko kilalang tao, kasi number lang.

Sino naman ang magte-text sa akin ng ganyan? Wala akong maisip kung sino.

CAMILLE'S POV

Tumingin ako sa gawi ng taong tumawag sa pangalan ko.

"Nadine!"sigaw ko sa tuwa saka siya nilapitan at niyakap ng pagkahigpit, with matching pagpadyak ng paa.

"Hindi mo naman siguro ako namiss ng sobra ano?"pagbibiro pa niya pagkabitiw ko sa kaniya mula sa pagkakayakap.

"Sobrang namiss kaya kita."sagot ko sa kaniya at niyakap pa uli siya.

"I think kailangan niyo munang magbonding dalawa."nakangiting sambit ni Sophie na nasa likuran namin. "Mauna na ako sa inyo."dugtong pa niya.

"Sige Sophie, mag-iingat ka ha. Pakisabi nalang kila papa na kasama ko si Nadine kapag hinanap nila ako."pasabi ko rito. Tumango nalang si Sophie bilang sagot niya at nagdiretso na papuntang parking lot.

"Ano? Tara na?"excited na tanong ni Nadine.

"Tara!"sabik ko naring sagot, tapos ay naglakad na kami papuntang parking lot.

SOPHIE'S POV

Hays, ako na naman mag-isa. Nauna na kasi umuwi si Kitty.

"Hey!"

"Ay kabayo!"gulat kong sambit nang may humawak sa balikat ko. Si Kuya Sky. "Ba't ka ba nanggugulat?"dugtong ko pa.

"Trip ko lang ulit."sagot  niya saka siya tumawa.

"Hay nako, 'yang mga trip mo talaga."murmur ko.

"Ikaw lang uuwi mag-isa? Hindi mo kasama si Camille?"tanong ni Kuya Sky.

"Hindi eh, umalis siya kasama si Ate Nadine."sagot ko naman.

"Bumalik na pala si Nadine?"ulit pa niya. Tumango nalang ako.

I'm not in the mood today, dahil nga sa kanina. 'Yong sinabi ni Kuya Sky.

"Mukhang malungkot ka ata?"tanong ni Kuya Sky. Napansin pala niya? Umiling nalang ako bilang sagot ko at saka siya nginitian. Para akong magkakasakit na ewan eh. Hays.

"Alam mo kailangan mo lang siguro kumain para gumanda 'yang mood mo."anyaya pa niya. "Halika, pumunta tayo sa mall. Kakain tayo duon, tutal hindi naman natuloy 'yong pagkain natin nuong inaya kita."dugtong ni Kuya Sky.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon