CAMILLE'S POV
Ala-sais na ng gabi at ngayon ay nag-aayos na kami ng gamit dahil aalis na kami mamaya. Ang sabi ni papa, may susundo raw sa aming sasakyan. Sasakyan ng kaibigan niya.
Hindi mapagkakailang mayaman ang kaibigan niya. Ano kaya ang itsura ng bahay nila?
"O mga anak, nakaayos na ba ang lahat ng gamit n'yo? Baka mamaya may makalimutan pa tayo." Tanong ni papa sa amin ng nakababata kong kapatid na si Cholo.
"Nakaayos na po lahat, Papa." Sagot namin saka isinukbit ang bag sa balikat namin. Hinila naman namin 'yung mga maleta.
"Maya-maya dadating na rin 'yung susundo sa 'tin." Pagbibigay-alam pa ni Papa. Naupo muna kami habang hinihintay 'yung sasakyan.
Andrada's Residence...
CHARLES' POV
"Manang magluto kayo ng mga masasarap na putahe dahil ngayong gabi na dadating 'yung kumpare ko." Utos ni Papa kay Manang Celia.
"Masusunod po, Sir." Sagot naman ni manang.
Busy 'yung mga katulong namin sa pag-aayos dahil nga may darating kaming mga bisita. Sana naman, hindi sila maingay katulad ng mga kapatid ko. Ayoko ng ingay.
"Pa, gaano ho ba ka-importante ang kaibigan n'yo na 'yon? Bakit, gano'n na lang kayo maghanda para sa kaniya?"
Nagtataka lang ako kasi kapag ibang bisita naman, hindi naman ganito sa bahay. Simpleng paghahanda lang okay na. Pero ngayon ibang-iba.
"Anak, alam mo ba nung may problema sa kumpanya natin, s'ya ang tumulong sa akin na maayos 'yon. Kaya gano'n na lang ang paghahanda ko para sa pamilya n'ya." Sagot ni Papa sa tanong ko.
Naalala ko pa no'ng panahon na laging wala si Papa sa bahay dahil kailangan niyang magtrabaho nang magtrabaho para maibalik ang dating sigla ng kumpanya.
Ocampo's Residence...
CAMILLE'S POV
Beep! Beep!
"Pa, and'yan na ata 'yung sasakyan ng kaibigan mo." Pagbibigay-alam ni Mama. Agad namang lumabas si Papa para tignan kung sino 'yon.
"O mga anak, halina at tayo'y hahayo na."
Nakaka-nosebleed minsan si Papa eh.
Tagalog na tagalog kasi mga words niya.Pilipinung-pilipino ang aming haligi ng tahanan. Hay.
May mga lalaking kumuha ng mga gamit namin at ikinarga sa likod ng sasakyan, tapos pati kami, e, sumakay na rin.
Ilang minuto pa ang itinagal ng biyahe at nakarating rin kami sa bahay ng kaibigan ni Papa.
"Ate, ang laki ng bahay nila!" Manghang bulong sa akin ni Cholo.
"Oo, malaki talaga." Pagsang-ayon ko sa kaniya.
Pagdating namin sa may gate, nabighani agad ako sa kulay ng mga ilaw. Parang pasko. Hindi malungkot tignan. Mala palasyo ang dating!
Pagpasok ng sasakyan sa loob, hindi pa iyon mismo ang bahay, parang entrance pa lang. Andaming mga puno, tapos may mga bench pa. Parang park, 'yung may mga lights.
Hanggang sa makarating kami sa tapat mismo ng bahay...
WOW! Hindi lang siya basta-bastang bahay. Mansyon siya! Grabe ang laki! Dati sa magazine o kaya sa television lang ako nakakakita ng ganitong bahay, ngayon nasa harapan ko na.
"Grabe Papa, ang yaman naman ng kaibigan mo. Milyonaryo ba s'ya?" Tanong ko kay Papa. Hininaan ko lang ang boses ko.
"Nasa angkan na nila ang pagiging mayaman, Anak."
"Ma'am, Sir, halina po kayo sa loob." Sabi nung parang katulong, kaya sumunod na kami. Nae-excite na akong makita 'yung loob!
Pagbukas ng pinto...
WOW! Ang laki-laki sobra, parang mall sa laki tapos hanggang 3rd floor pa! Ang lamig-lamig pa kahit nasa sala ka lang. Ang laki ng aircon nila, 'yung nakikita ko sa mga malls.
"Benjie!" Tawag ni Papa sa kaibigan niya.
"Berto!" Sagot naman ng kaibigan ni Papa.
"Mabuti naman at nakarating kayo kaagad." Salubong niya sa amin saka nabaling ang paningin sa 'kin.
"S'ya na ba si Camille?" Tanong niya.
"Oo s'ya nga." Nakangiting sagot ni Papa.
"Dalagang-dalaga ka na, ija. No'ng huli kitang nakita, maliit ka pa." Sabi niya.
Nang magkaroon ng pagkakataon, nagmano ako. Sumunod naman si Cholo.
"Nasaan na nga pala ang mga anak mo?" Tanong naman ni Papa kay Tito Benjie.
"Nasa taas sila , sandali at ipatatawag ko kina yaya."
Maya-maya pa ay may mga nagsibabaan na ng hagdan. Mukhang sila na 'yung mga anak ni Tito Benjie. Yayamanin ang mga itsura!
CHARLES' POV
"Sino 'yan?" Tanong ko habang nagbabasa ng comics. Andito ako sa loob ng kwarto ko.
"Sir, ipinatatawag na po kayo ng Papa ninyo." Sagot nito sa akin kaya tumayo na 'ko at inayos na ang sarili.
Lumabas na 'ko at sumunod kina Sophie at Kitty.
Nang malapit na kaming makababa, napunta ang atensyon ko sa isang babae na nakatayo nang pirmi. Parang pamilyar sa akin ang itsura niya.
'Yung pangit na nakita ko sa daan kanina at sa school ko rin pumapasok! Siya nga!
"IKAW?!"
"IKAW?"
CAMILLE'S POV
Ang anak ng kaibigan ni Papa ay yung may sapak sa noo na gwapo kanina na nanlait sa akin sa daan? At 'yung ipinahiya ako sa harap ng buong klase? Grabe lang. Sa lahat ng tao bakit siya pa ang anak ni Tito Benjie?!
Muli kong ikinurap ang mga mata ko dahil baka namamalikmata lang ako. Pero hindi, siya nga 'yon!
So ang ibig sabihin, makakasama ko siya sa iisang bahay? Juice colored. Ano ho kaya'ng mangyayari nito?
°°°°
edited: 2021
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
JugendliteraturDate created: September 2016 ©Bianczx