Chapter 10

146K 4.8K 184
                                    

CHARLES' POV

Gusto kong sumabog sa sobrang inis sa nakikita ko ngayon, sa ginawang kalokohan ni Sophie. Ang pinakamabait kong kapatid.

Ipina-tarpaulin pa talaga niya ang litrato namin ni Camille habang natutulog sa loob ng sasakyan. Magkasandalan pa kami. Napakaano talaga!

Isa pa sa pinakakinaiinisan ko sa ginawa niya, i-pinost pa talaga sa group ng Williams Academy. Paniguradong magiging hot topic 'yon. Hindi ba siya nag-iisip?

"Hoy bata, alam mo bang magiging topic 'to sa buong campus?"

"Ayaw mo no'n, Kuya, sikat na sikat kayo." Kaswal na sabi ni Sophie saka tumawa nang nakakaloko.

Babatukan talaga kita kapag nakababa ako, tignan mo!

"Sakit mo sa ulo!" Sigaw ko saka sinimulan siyang habulin sa baba.

"Kung mahahabol mo 'ko." Pang-aasar pa niya saka pumasok sa loob ng kwarto niya at ini-lock 'yon.

"Open the door!" Malakas na sabi ko habang kinakatok ang pinto niya.





CAMILLE'S POV

Lumabas na ako ng kwarto, at paglabas ko, nakasalubong ko si Charles. Para siyang pinagsakluban ng langit at ng lupa. Ano kaya'ng nangyari?

Nilagpasan niya lang ako at bumaba na. Umagang-umaga ang sama ng mukha.

Nang makalapit na ako sa may hagdanan, biglang nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.

Isang tarpaulin kung saan nandoon ang picture namin ni Charles na natutulog at magkasandal pa.

Kailan 'yon?! Wala akong matandaan na gano'n!

"Good morning, Ate Camille." Biglang sabi ni Sophie sa may likuran ko kaya nilingon ko siya. Nakangiti siya 'kin at parang may kahulugan 'yung ngiting 'yon.

"Bakit may gan'yan d'yan?" Tanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya saka tinapik ang balikat ko at bumaba na. Ano'ng meron do'n?

"Halika rito, buti at bumaba ka na." Rinig kong sabi ni Charles mula sa baba.

Pagkababa ko, nakita kong naghahabulan sila hanggang sa labas.

Ilang sandali pa at may tumawag sa 'kin.

Nadine Calling..

"Hello, Nadine." Sagot ko.

[Camille, nakita mo na ba 'yung naka-post sa Williams Academy group?]

"Hindi, e. Tsaka pa'no ko naman makikita? Alam mo na, di-keypad lang ang phone ko." Ano kaya'ng naka-post?

[Naka-post sa group 'yung picture n'yo ni Charles habang magkasandalan kayo habang natutulog sa car.]

"ANO?!" Napasigaw tuloy ako sabay takip sa bibig ko.

[Sige, ibababa ko na. Kita na lang tayo mamaya.]

Juice colored! Paniguradong mapag-uusapan 'yon sa buong campus. Ano na'ng gagawin ko n'yan? Pero, hindi pa naman nila ako kilala, kaya paano? Si Charles lang ang kilala. Ano kaya'ng nakalagay?

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon