CHAPTER 36 ❤ BALL NIGHT

118K 3.3K 209
                                    

CAMILLE'S POV

Parang malulusaw na ako sa aking kinatatayuan nang dahil sa mga tinginan ni Charles. Hindi ko alam kung bakit ganiyan nalang niya ako kung titigan. "Umalis na kayo at baka mahuli pa kayo."sambit ni Tito Benjie. Sa paraang 'yon ay bumalik na si Charles sa kaniyang huwisyo.

Walang anu- ano at hiningi ni Charles ang aking kamay. Ilang kong iniabot ang aking kamay, saka na kami nagtuloy sa labas. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan at inalalayan sa pagpasok. Nakakapanibago, lalo tuloy akong naiilang.

Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan at tuluyan ng umalis. Ang kabuuan ng sasakyan ay binabalutan ng katahimikan, ni isa sa amin ay hindi nagkikibuan. Marahil kami'y naiilang sa isa't-isa.

SOPHIE'S POV

"Ijo, ingatan mo ang prinsesa ko ha."sambit ni papa kay Kuya Sky.

"Papa, I can handle myself na."sagot ko kay papa. Natawa lang si papa saka si Kuya Sky. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Opo tito, 'di ko po 'to padadapuan sa lamok."biro pa ni Kuya Sky.

"O sige na, baka mahuli pa kayo."sambit pa ni papa. Nagpaalam na kami at lumabas na.

Iniabot sa akin ni Kuya Sky ang kaniyang kamay at para bang hinihingi ang aking kamay.

"Let's go?"aya nito sa akin. Tumango nalang ako bilang sagot ko, at dahan-dahang iniabot ang aking kamay. Inalalayan niya ako sa pagsakay sa sasakyan.

THIRD PERSON'S POV

Nanatiling tahimik ang pagitan ng dalawa, nina Camille at Charles, hanggang sa sila ay makarating sa paaralan. Ipinark na ni Charles ang sasakyan, bumaba ito at pinagbuksan ng pintuan si Camille. Nang sila ay makarating na sa loob...

Gulat na napatingin si Camille sa kaniyang kamay, dahil ikinawit ito ni Charles sa kaniyang braso. Gusto mang makapagsalita ni Camille, ngunit hindi niya ito magawa.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Binabati sila ng mga tao, at si Charles ay umaakto na para bang wala lang sa kaniya ang mga bagay na kaniyang ginagawa, na natural lang sa kaniya. Ngumingiti at kumakaway sa mga tao.

Sila ay nakisalamuha sa kanilang mga kaklase at duon naupo. 

"Magandang gabi sa inyong lahat!"isang masayang bati ng punong-guro sa kanilang lahat. Ang lahat naman ay nagsigawan bilang tugon sa bati nito.

"Pansin kong ang lahat ay handang-handa na."pananalita ni Ms. Bas.

"Pansin ko nga iyan Ms. Bas. Tignan mo ang kanilang mga kasuotan, talagang angat na angat. Idagdag pa ang kanilang kagandahan at kagwapuhan."tugon naman ni Mr. Mark.

"Ano pa ang hinihintay natin, pasimulan na natin ang programa!"masiglang sambit ni Ms. Bas. Saka sabay-sabay na namatay ang mga ilaw, gayon din ang pagyakap ng katahimikan sa buong paligid. Saka isang musika ang pumailanlang sa tahimik na kapaligiran.

Isang babae at isang lalaki ang tinutukan ng ilaw sa harapan, at duon ay nagsimulang sumabay sa kanta. Isang interpretive dance.

🎶 I LAY MY LOVE ON YOU - WESTLIFE 🎶

🎶Just a smile and the rain is gone
Can hardly believe it (yeah)
There's an angel standing next to me
Reaching for my heart🎶 sa hindi maipaliwanag na nadarama ni Charles, bigla nalang siyang napatingin kay Camille na tahimik na pinapakinggan ang kanta. Tila bigla nalang tumibok ng sobrang bilis ang kaniyang puso.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon