CAMILLE'S POV
Nagkasabay kaming sumigaw nung may sapak sa noo na lalaki na 'yon. E, hindi ko ba akalain na siya 'yung anak ng kaibigan ni Papa.
"Magkakilala na kayong dalawa?" Takang tanong ni Tito Benjie.
"Opo. Alam n'yo po ba na 'yang anak ny-" Hindi na natuloy ang sinasabi ko dahil tinakpan niya ang bibig ko at hinila niya 'ko papunta sa labas, sa may pool.
Inalis na niya ang kamay niya mula sa pagkakatakip sa bibig ko. Ang baho ng kamay!
"Ano ba'ng problema mo?! Ha?!" Naiinis na tanong ko sa kaniya.
"Ano'ng balak mong sabihin kay Papa?!" Pasigaw na tanong niya pero nagpipigil para hindi siya marinig sa loob.
"Sasabihin ko lang naman sa kan'ya, na ang anak n'yo po sobra kung lait-laitin ako at ipinahiya pa 'ko sa klase namin kaninang umaga. At isa pa po, sinadya po n'ya akong tapunan ng soda kanina." Mataray na sabi ko habang nakapamewang. Bakit? Naduduwag ba siya na malaman ng parents niya kung ga'no kasama ang ugali niya?
"Subukan mo lang sabihin kay Papa 'yan, tignan mo malilintikan ka sa 'kin." Pananakot niya. As if naman na matatakot ako 'no. Masyado siyang duwag!
"E, ano naman ngayon kung malilintikan ako sa 'yo? Bakit, ano ba'ng binabalak mong gawin? Ha?!" Hamon ko sa kaniya, pero hindi siya nakasagot. Inirapan niya lang ako at tumalikod na. Parang babae kung umakto. Ang yabang!
"Bwisit!" Rinig kong sabi niya. Nakakuyos pa ang kamay niya. Ano? Manununtok ba siya? Manghahamon ba siya ng suntukan? Ha?!
Bumalik na lang ako sa loob kesa maurat sa lalaking 'yon. Nakakasira ng gabi!
"Ija, maupo ka na at kumain." Anyaya ni Tito Benjie. Hindi ko alam kung saan nagmana 'yung Charles na 'yon. Ang bait-bait ng Papa niya, gano'n din ang Mama niya. 'Yung mga kapatid niya, mukha ring mababait. Ampon kaya siya?
"Sige po, thank you na lang po," ngumiti ako. "Uhm, Sir, pwede ko po bang malaman kung saan kami matutulog?" Tanong ko. Hindi kasi talaga ako kumakain kapag gabi. Diet mode, e. At least sa katawan man lang makabawi ako.
"Ija, don't call me Sir. Just call me Tito Benj." Insist niya.
"Okay po, Si- I mean, Tito Benj." Sabi ko saka tumayo na mula sa pagkakaupo.
"Yaya, pakisamahan nga si Camille sa magiging kwarto n'ya." Pakisuyo ni Tito Benjie. Magiging kwarto ko? Totoo ba? Sa bahay namin sama-sama lang kami sa isang kwarto, tapos dito may sarili na 'kong kwarto? Hindi ako makapaniwala!
"Magiging kwarto ko po?" Ulit ko pa.
"Oo ija, magiging kwarto mo. Tig-isa kayo ng kapatid mo tutal marami namang rooms dito sa bahay." Nakangiting sagot ni Tito Benjie.
"Thank you po, Tito Benjie, ngayon lang po ako makaka-experience nang ganito!" Masayang sabi ko.
Nagtawanan lang silang lahat. Hindi ko kasi mapigilan 'yung excitement!
"Sige na yaya, samahan mo na s'ya. Baka maligaw pa s'ya." Pabirong utos ni Tito Benjie sa kasambahay nila.
"Tara na." Aya ng kasambahay sa akin. Sumunod naman ako agad sa kaniya.
"Ate, ano po'ng pangalan n'yo?" Tanong ko.
"Ay, 'wag mo po akong tawaging ate. Yaya na lang po." Nahihiyang sagot niya.
"Ate, mas matanda ka po sa akin, kaya, ate ang itatawag ko sa inyo." Pagtutol ko. Ano man ang posisyon mo sa buhay, kailangan pa ring gumalang sa mga nakatatanda.
Ngumiti na lang siya. "Cecile ang pangalan ko."
"Ate Cecile, buti hindi kayo naliligaw sa bahay nila Tito Benjie?" Pag-iiba ko.
"Matagal na kasi akong nagsisilbi sa kanila kaya nakabisado ko na." Paliwanag niya.
"Alam mo, Ate, mukhang magkakasundo tayo." Nakangiting sabi ko saka ikinawit ang braso ko sa kaniya. Ngumiti lang siya.
"Nandito na tayo. Eto ang magiging kwarto mo."
Bago pa man mabuksan 'yung pinto, nagsalita ulit ako dahil sa napansin ko.
"Ate Celia, kaninong kwarto po 'yan?" Itinuro ko ang isang pintuan bago 'yung pintuan nang magiging kwarto ko.
"Ah, kay Sir Charles 'yan," sagot niya. "Atsaka eto pala, ayaw n'ya nang maingay. Kahit konting ingay ayaw niya. Kaya magdahan-dahan ka sa mga kilos mo." Paliwanag niya.
Wala namang kasiyahan sa buhay 'tong Charles na 'to.
"Wow, grabe ang laki!" Mangha kong sabi nang makapasok kami sa magiging kwarto ko. Parang sala at kusina na namin sa bahay 'yung laki ng kwarto. May cr, ref, aircon, malambot na kama, tv... Grabe lang talaga. Ganito 'yung kwartong pinapangarap ko!
"Sige, maiwan na kita, ha? May gagawin pa ako sa baba." Paalam ni Ate Cecile.
"Sige po, thank you po, Ate."
Pagkaalis niya, dumapa ako sa kama. Grabe, ang lambut-lambot! Excited na 'ko matulog mamaya dahil bukod sa may malambot na kama, meron ding aircon kaya malamig mamaya!
Pumunta ako sa may cabinet at inilagay na ang mga gamit ko. Tapos, nagpalit na rin ng pantulog.
Pagkatapos kong magpalit, may napansin akong pintuan sa may gilid. Na-curious ako kung ano'ng meron dito, kaya nilapitan ko ito at binuksan.
"Walk-in closet." Sambit ko nang buksan ang pinto.
Ang laki. Kaso, walang laman. Nakaagaw pansin sa akin ang isang shirt na nakatupi sa may gilid. Kinuha ko 'yon at binuklat.
"Pambabae 'to ah." Ipinatong ko ang damit. In fairness ang ganda niya.
Kanino kaya 'to?
Alas diyes ng gabi...
Lumabas ako ng kwarto dahil may nakalimutan ako sa baba. Pero bago ako tuluyang nakababa, mayroon na namang nakaagaw pansin sa akin. 'Yung pintuan ng kwarto ni Charles dahil naka nakabukas 'yon nang bahagya.
Dahan-dahan kong sinilip kung ano'ng itsura ng kwarto niya.
Maayos naman siya sa mga gamit niya. Malinis din.
Nang tumingin ako sa may kisame...
°°°°
edited: 2021
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx