LAWRENCE'S POV
Bumukas na ang pinto at ang bumungad sa akin ay ang seryosong mukha ni Charles.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong nito sa akin.
"Bibisitahin ko lang sana si Camille."sagot ko naman.
"Bakit dito pa sa bahay namin, sana nag-usap nalang kayo kung saan kayo magkikita. Saka, wala naman siyang sakit, bakit kailangan mong bisitahin?"sambit pa niya. Ano bang masama kung bisitahin ko si Camille.
"Kuya don't be rude to our visitor!"rinig kong sabi ng isang batang babae na biglang sumingit sa pag-uusap namin ni Charles. Mukhang, ito yata 'yong bunsong kapatid ni Charles.
"Kitty, dapat hindi ka sumisingit sa usapan ng mas nakatatanda sayo."suway ni Charles duon sa bata.
"Okay fine, I'm sorry. Pero 'wag ka kasing masungit sa visitor natin."paumanhin nung bata.
"Apology accepted, bumalik ka na duon."sagot naman ni Charles tapos sumunod naman 'yong bata.
KITTY'S POV
Hay nako, si kuya talaga. Sino kaya 'yong guy na kausap ni kuya? Bakit kaya ganon siya kausapin ni kuya?
Umakyat ako sa taas at pumunta sa kwarto ni Ate Sophie.
"What's wrong Kitty?"tanong sa akin ni ate.
"Ate samahan mo ako sa baba. Tsaka baka, kilala mo 'yong guy na kausap ni kuya."sagot ko sa kaniya. Agad naman siyang napabalikwas ng upo.
"Ano bang meron?"tanong ni ate.
"Ayaw kasing papasukin ni kuya 'yong guy."sagot ko.
"Tara, nacu-curious na ako eh. Saka, baka kilala ko 'yong guy."sabi ni ate saka kami bumaba.
SOPHIE'S POV
Sino kaya 'yong guy na sinasabi ni Kitty? Patago kaming sumilip sa may labas kung sino ang kinakausap ni kuya.
Teka, 'yong Lawrence ba 'yon? Yung friend ni Ate Camille? Mukhang tama nga ata ako. If I'm not mistaken, pumunta na siya dito sa bahay.
"Kitty, umakyat ulit tayo. Puntahan natin si Ate Camille. Kilala niya 'yong guy na 'yan."aya ko kay Kitty.
"Let's go!"sagot niya kaya agad kaming bumalik ulit sa taas at pinuntahan ang kwarto ni Ate Camille.
*TOK *TOK
"Sino 'yan?"rinig kong sagot ni Ate Camille mula sa loob.
"Si Sophie at Kitty 'to, Ate Camille."sagot ko.
Binuksan naman niya ang pintuan.
"Bakit Sophie?"tanong ni Ate Camille. Pansin ko mukhang irritated siya.
"Kasi, may guy duon sa labas. And I think na kilala mo siya, ayaw kasi siyang papasukin ni kuya eh."paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx