CHAPTER 37 ❤ JEALOUS

108K 3.3K 286
                                    

CHARLES' POV

Tinitignan ko ang paa ngayon ni Camille, dumudugo ito at may pasa. Sino ba naman kasi ang may sabi sa kaniya na magsuot siya ng high heels, eh hindi naman siya nakatatagal. "Bitiwan mo ang paa ko."malamig na sambit ni Camille sa akin. Tiningala ko siya. "Pasalamat ka nga may concern pa 'ko sa PAA mo."sagot ko sa kaniya saka binitiwan ang paa niya. "Sino ba naman kasi ang may sabi sayo na maging concern ka sa PAA ko?"pagdidiin pa nito. Hindi ko na siya sinagot pa at naglakad nalang.

"Aray."mahinang inda nito habang naglalakad. Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi siya lingunin, ngunit ang mahina niyang pag-inda sa sakit na nararamdaman niya ay nagiging malakas sa pandinig ko. Hindi ko na natiis na hindi siya pansinin.

"Sakay."sambit ko sa kaniya nang makatalungko ako patalikod sa harap niya. "A...ano?"utal nitong tanong. "Sumampa ka na sa likod ko bago pa magbago ang isip ko."sagot ko sa kaniya. Ilang sandali pa ang itinagal bago niya mapagpasiyahan na sumakay sa likod ko.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. "Kumapit ka ng mabuti kung ayaw mong malaglag."utos ko rito dahil maluwag ang pagkakakapit niya, dahil alam kong naiilang siya.

CAMILLE'S POV

Para akong robot dito na nakasabit sa likuran ni Charles, kahit konting galaw hindi ko magawa. Ultimo paghinga dinadahandahan ko, dahil lalapat ito sa batok ni Charles. Hindi ko alam kung bakit naisipan niyang i-piggy back ride ako, pero salamat sa kaniya dahil hindi na ganoong sumasakit ang paa ko.

Nang makarating kami sa clinic ay ibinaba na niya ako, ngunit hawak parin niya ang braso ko.
"O, bakit hindi pa kayo umuuwi?"tanong ni Nurse Cha nang makarating kami sa clinic.

"Dumudugo po kasi ang paa niya."sagot ni Charles habang nakaturo sa akin. Pinaupo ako sa bed ni Nurse Cha at saka ipinahubad sa akin ang suot ko sa paa, at ito'y ginamot.

"Hindi ka sanay sa pagsuot ng matataas ano?"natatawang tanong sa akin ni Nurse Cha.

"Ah opo."nakangiting sagot ko rito. Biglang nawala si Charles, saan kaya siya nagpunta?

"Ayan, tapos na."sambit ni Nurse Cha saka tumayo na.

"Salamat po."pasalamat ko rito. Saka naman bumalik si Charles, na may bitbit na tsinelas.

"Umuwi na kayo at malalim na ang gabim"sambit pa ni Nurse Cha, muli akong nagpasalamat at tumayo na. Isusuot ko sana ang high heels ko, ngunit pinigilan ako ni Charles.

"Kagagamot palang sa paa mo, kaya 'wag na 'yan ang isuot mo. Ito nalang."sambit nito saka inilapag ang tsinelas. Sinunod ko nalang siya, hindi na ako umangal pa. Nagpatiuna na siya at sumunod lang ako sa kaniya.

"Ako na ang magbubukas."malamig kong sambit rito nang akma niya akong ipagbubukas ng pintuan ng sasakyan. Hindi na ito nagsalita at hinayaan nalang ako.

Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa ni Charles, hanggang sa kami ay makarating sa bahay. Nagpatiuna ako sa pagbaba at dumiretso na sa loob ng bahay.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon