CHARLES' POV
At nang pumasok na ang bisitang sinasabi ni Yaya Doris, ako ay nagulat. At hindi ko inaasahang siya ito.
"O, ija. Buti napadalaw ka ulit dito."sabi ni papa kay Nadine.
"Oo nga po eh, kaya po ako napadalaw dito kasi may dadalawin po talaga ako."nakangiting sagot ni Nadine kay papa.
"Sino ija? Si Charles?"tanong pa ni papa. Nananadya ata 'to si papa eh, alam naman niyang wala na kami eh.
"Ay hindi po, si Camille po talaga 'yong sinadya ko dito."pagtanggi nito.
"Ah, akala ko si Charles eh."sagot ni papa saka ibinaling sa akin ang atensyon. "Charles samahan mo si Nadine sa kwarto ni Camille."utos ni papa sa akin. Talagang ako pa? Tsk.
Sa tuwing nagkakatinginan kami ni Nadine, naiilang parin ako. Hindi ko maitatanggi 'yan. Kaya, iniiwasan ko nalang na magpang-abot ang mga mata namin.
"T-tara."aya ko sa kaniya. Sumunod naman siya agad sa akin at naglakad na kami paitaas.
Napakatahimik naming dalawa, dahil nga nagkakailangan pa kami. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto ni Camille.
"O, ito na 'yong kwarto ni Camille."sabi ko saka pumunta na sa kwarto ko.
NADINE'S POV
Nang makarating kami sa tapat ng sinasabing kwarto ni Camille, bigla akong may naalala.
Itong kwarto ni Camille, ito 'yong kwarto ko dati dito sa bahay nila Charles. Pinaglaanan talaga ako ng kwarto ng papa ni Charles. Napakabait diba?
Dito ako tumutuloy kapag mag-isa lang ako sa bahay o kaya naman pagnalulungkot ako.
*TOK *TOK
"Sino 'yan?"tanong ni Camille mula sa loob.
"Si Nadine 'to."sagot ko sa kaniya.
"Pasok ka Nadine."sabi ni Camille nang mabuksan na niya ang pintuan, kaya tumuloy na ako sa loob.
"Nadine, may pasok ngayon diba?"tanong ni Camille nang makaupo na sa kama niya.
"Oo, pero ayokong pumasok. Wala ka naman, saka medyo hindi maganda ang pakiramdam ko."sagot ko sa kaniya.
"Camille, may nakita ka bang picture dito nung inaayos 'tong kwarto mo?"sabi ko kay Camille at saka inilibot ang paningin sa kapaligiran.
"Picture? Wala naman akong nakita."sagot niya.
"Ahh."sabi ko nalang.
"Ano bang meron?"tanong pa niya.
"Ano kasi, dati kong kwarto 'tong kwarto mo ngayon."sagot ko sa kaniya saka huminga ng malalim.
"Talaga?"gulat niyang tanong, saka lumaput sa akin. Tumango ako bilang sagot ko.
CHARLES' POV
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx