CAMILLE'S POV
*TOK *TOK
"Sino 'yan?"tanong ni Ms. Anderson mula sa tao sa labas. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si...
"Ms. Anderson."
Anong ginagawa ni Charles dito?
"Ikaw pala 'yan Mr. Andrada, how may I help you?"nakangiting sagot sa kaniya ni Ms. Anderson.
"Mayroon lang ho akong ipapapanood sa inyo, pagkatapos niyo itong mapanood, saka kayo gumawa ng desisyon kung kanino niyo ibibigay ang mga punishment."makahulugang sabi ni Charles.Si Ms. Anderson ay nakikinig lang sa kaniyang sinasabi.
May kinuha si Charles mula sa kaniyang bulsa, at ito ay ang kaniyang cellphone. Kinalikot muna niya ito, pagkatapos ay ibinigay na ito kay Ms. Anderson. "Play it."sambit pa ni Charles. Pinindot naman ni Ms. Anderson ang cellphone. Nacu-curious ako kung anong pinapanood ni Ms. Anderson. Ano kaya iyon?
Pagkatapos ng ilang segundo ay natapos na ang pinapanood ni Ms. Anderson, at ibinalik na niya ang cellphone ni Charles.
Humarap si Ms. Anderson sa akin. "I'm so sorry Ms. Ocampo, hindi pala talaga ikaw 'yong kumuha ng mga expensive things na iyon. I apologize."paghingi ng paumanhin ni Ms. Anderson. "Okay lang po."sagot ko sa kaniya. "Pasensya narin dahil ang cctv camera sa canteen ay inaayos pa, kaya walang makuhang pruweba about sa nangyari. Pasensya na ulit."paliwanag pa niya. Nginitian ko lang siya.
Sabi ko na eh, hindi talaga ako 'yon. Dahil hindi ko kayang gawin ang bagay na 'yon. Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib, akala ko mapapatawag pa sila papa at masususpend ako.
"Thank you Mr. Andrada, buti nalang at ipinakita mo sa akin ang video, nang nalaman ang katotohanan. Salamat sayo at hindi nasuspend si Ms. Ocampo. Pasahan mo ako ng video na iyan para maipakita ko sa faculty."pasalamat ni Ms. Anderson, nginitian lang siya ni Charles. Pinasahan na ni Charles si Ms. Anderson ng video.
"Mauuna na ako sa inyo, pagmi-meetingan pa namin about sa nangyari kanina."paalam ni Ms. Anderson saka lumabas na ng detention room.
"Papanood ako nung video."sabi ko kay Charles. Ibinigay naman niya ito kaagad. "Grabe, bakit niya ginawa 'yon? May nagawa ba akong hindi maganda sa kaniya?"komento ko habang pinanonood ang video.
At nang matapos ito....
"YAAAAH!"napatili ako sa sobrang saya.
CHARLES' POV
"YAAAAH!"tumili bigla si Camille at bigla din niya akong niyakap...
Hindi ako makagalaw ngayon sa kinatatayuan ko, syempre hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon. "THANK YOU CHAAAARLES!"masayang sabi niya.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Novela JuvenilDate created: September 2016 ©Bianczx