CHAPTER 23 ♥ EMBRACE

115K 3.4K 190
                                    

CAMILLE'S POV

Totoo ba ang lahat nang narinig ko mula kay Sophie? Na mas gusto ni Charles ang luto ko? Kahit na ganuon lang ay malakas ang epekto sa akin, hindi ko alam kung bakit. Nasa sala parin ako ngayon at nakaupo sa sofa.

Napagdesisyunan kong uminom ng citrus plunge at magpahangin muna sa labas. Lumagok ako ng inumin habang naglalakad sa labas. "Wah."singhal ko. Andaming mga bagay ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Naalala ko na naman ang nakaraan, na pilit kong kinakalimutan, pero hindi ko maalis sa aking isipan. Kasama na roon ang kalagayan ni Nadine, naaawa ako sa kaniya. Hindi ko man lang siya masahan sa pagpapagamot niya.

"Huhuhu..."iyak ko habang nakatalungko at nakasubsob ang mukha sa aking dalawang braso. Naramdaman ko nalang na may dumamping kamay sa aking braso. Kaya tumingala ako upang tignan kung sino ito.

Gulat akong napatingin nang si Charles ang nasilayan ko. Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay, na para bang pinapatayo ako. Kaya inabot ko ito. Nang makatayo ako, hindi ko inasahan ang sunod kong ginawa.

Napayakap ako sa kaniya at duon ako umiyak nang umiyak. "Huhuhuhu..."malakas kong iyak. Naramdaman kong tumugon siya sa aking mga yakap. Ilang saglit pa at bumalik na ako sa aking huwisyo at bumitaw na mula sa pagkakayakap sa kaniya.

"Sorry."paghingi ko ng paumanhin nang dahil sa aking nagawa. Hindi siya nagsalita, bagkus ay inabot niya ang aking kamay at hinila pabalik sa bahay, duon sa may tabi ng pool. Kumuha rin siya ng citrus plunge at naupo habang nakalusong ang paa sa tubig.

Tumingala ako, dahil alam kong tutulo na naman ang luha ko. Napansin kong may kinuha si Charles mula sa kaniyang bulsa. Kinuha niya ang kaniyang panyo at iniabot ito sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip kung kukunin ko ba ito o hindi, tinanggap ko nalang ito. Nang itakip ko na ito sa aking mata, duon na ako napahagulgol.

Flashback...

"Bakit kailangan mong umalis?"lumuluhang tanong ko sa taong minahal ko ng totoo. "Ayoko na nang ganitong klaseng relasyon."sagot nito sa akin na tila ba ay wala kaming pinagsamahan. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi.

"Ano pa bang kulang?"tanong ko sa kaniya. Nagmamakaawa na huwag siyang umalis. "May makikilala ka pang lalaki na nararapat para sayo, at sa tingin ko ay hindi ako 'yon. Saka, mga bata pa tayo. Kaya marami pang pagkakataon."sambit nito sa akin saka tumalikod na. Napalugmok ako sa lupa saka naman sumabay ang pagbuhos nang malakas na ulan sa pag-agos ng aking mga luha.

End of Flashback.

Tatlong taon na ang nakalilipas, pero hindi ko parin matanggap ang pag-iwan niya sa akin. Oo tama siya, masyado pa kaming mga bata nuong mga panahon na iyon. 14 years old palang kami, ang bata pa ano? Wala eh, tinamaan ni kupido. Magkaiba din kami ng pinapasukang eskwelahan, kaya paminsan-minsan lang kami nagkakakita.

Tinutulungan ko si Charles na makausad, pero akong tumutulong sa kaniya ay hindi parin nakakausad. "Tulungan mo muna ang sarili mong makatakas sa kinalalagyan mo ngayon, pareho lang tayo ng nararanasan ng posisyon."biglang sambit ni Charles. Hindi ko sinasabi sa kaniya, pero alam niya kung anong nararamdaman ko. Hindi ko pa kayang sabihin kung sino.

Kinabukasan...

SOPHIE'S POV

I'm hungry na. Kanina pa ako nagugutom, kanina ko pa hinihintay si Ate Camille na bumaba. 10 am na, pero hanggang ngayon hindi parin siya gising. Kumakalam na ang tiyan ko.

Siya lang ang inaasahan namin, dahil siya lang ang marunong magluto dito. "KUYAAA!"malakas kong sigaw para marinig niya. Bingi kasi minsan eh.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon