CHAPTER 25 ♥ NEW STUDENT

120K 3.5K 499
                                    

LAWRENCE'S POV

Sinenyasan na ako ni Ms.Bas na pumasok na raw ako sa loob, kaya dahan-dahan na akong naglakad papaloob.

At pagpasok ko, nakita ko agad si Camille. Grabe, nakakatuwa 'yong reaksyon ni Camille. Nanlaki ang mga mata niya at halatang gulat na gulat.

"Introduce yourself Mr.Gonzales."sabi ni Ms.Bas pagkapasok ko.

"Hello sa inyo, ako nga pala si Lawrence Gonzales..."napatigil ako sa aking pagsasalita dahil biglang nagsigawan ang mga babae. "WAAAAAH!"hinihimatay sa kilig, natatawa tuloy ako. Napailing nalang ako. Andami paring natatablan sa gwapo kong 'to. Hays.

"Girls!"suway sa kanila ni Ms.Bas, tumigil naman kaagad ang mga ito. At nagpatuloy na ako sa pagsasalita. "3 years ako sa Korea na nag-aral, and now nagdecide ako na mag-aral ulit dito sa Pilipinas. Inaasahan kong tatanggapin niyo ako bilang kaibigan niyo-"napatigil na naman ako dahil may nagsalita ulit.

"PAPA GONZALES TANGGAP KA NA NAMIN KANINA PAAA!"

"HAHAHAHAHAHA!"

Nagpipigil lang talaga ako ng tawa ko, nakakatuwa pala dito. Hanggang duon nalang ang sinabi ko.

"Mr.Gonzales, please sit beside Ms.Ocampo."sabi sa akin ni Ms.Bas na ikinagulat ng maraming kababaihan.

Naglakad na ako papalapit kay Camille, kasi nga duon ako mauupo sa tabi niya.

"Ito 'yong surprise ko sayo, nagustuhan mo ba?"bulong ko kay Camille nang makaupo ako.

"Anong klaseng surprise 'yan?"biglang pagtataray niya. Kanina lang nagulat eh. Tsk.

"Ako. Ako ang surprise. Hindi ka ba masaya na nandito na ulit ako?"kunwaring hindi ako makapaniwala.

"Tsk. Tsk. Tsk."sagot lang niya at itinuon ang atensyon kay Ms.Bas.

SKY'S POV

"Hi Sky."nakangiting bati sa akin ni Milliseth. Kaya napabalikwas ako mula sa pagkakaupo ko.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kaniya.

"Dito na ako mag-aaral."kaswal nitong sagot.

"Nahihibang ka na ba?"inis na tanong ko sa kaniya.

"Bakit ba? Eh sa gusto kong mag-aral ulit dito."sagot nito.

Huminga nalang ako ng malalim, dahil ayokong magalit ng sobra sa kaniya. Naupo nalang ako. At nang maupo ako, naupo siya sa tabi ko. "'Wag ka dito."pagpapaalis ko sa kaniya. Ngunit nagmatigas siya. Ako nalang ang aalis kung ayaw mo. Tumayo na ako at akmang aalis, kaso hinawakan niya ang braso ko. Saktong may lumapit na estudyante.

"Hello po Kuya Sky."nakangiting bati ng mga second year highschool students sa akin. At nang mabaling ang paningin nila kay Milliseth, nawala ang mga ngiti sa kanilang mukha.

"Hi girls."sabi ni Milliseth saka tumayo at ikinawit ang braso sa akin. "I'm his girlfriend. Milliseth Dixon."pagpapakilala niya na mas lalong ikinainit ng ulo ko. 'Yong mga estudyante ay nagulat din. Tumalikod nalang sila at umalis.

Naupo nalang ulit ako, sobrang sira na talaga ang araw ko. Bwisit!

Tiniis ko nalang ang presensya ni Milliseth hanggang sa matapos ang klase. Tumayo na ako at akmang aalis na, kaso inulit na naman niya ang pagkawit sa braso ko. "ANO BA?!"galit na sabi ko.

Natinag naman si Milliseth at nagulat siya dahil sa lakas ng sigaw ko.

"What's your problem?"tanong pa nito na lalong nagtulak sa akin na magalit sa kaniya.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon