[Kung mapapansin ninyo, 'yong mga naunang comment ay hindi tugma sa scenario, dahil iniba ko po. Hindi ko nalang po binura dahil sayang din ang reads at votes. Kaya sana ay hindi kayo malito. :) ]
CHARLES' POV
Hindi na ako pumasok sa loob ng classroom, dahil nagkaklase na sila at late na ako. Napagdesisyonan kong pumunta nalang sa rooftop. Dahil wala akong balak na balikan si Nadine sa clinic.
Aakyat na sana ako, kaso may narinig akong nag-uusap sa taas kaya napatigil ako at pinakinggan ito.
"Best actress ka talaga ano?"sambit nito. At sa tingin ko ay babae ito.
"Kailangan kong magpakabest actress, para lang makuha ko siya."sagot ng isa at mukhang pamilyar ang boses niya. Kaya pinakinggan ko pa ang pinag-uusapan nila.
"Ano ba ang mga sinabi mo at naging kayo ulit?"tanong pa ng isa.
"I told him that I was about to die, because my operation was not successful."sagot nito. Talagang umaandar na ang kuryosidad ko, kaya tinignan ko na kung sino ang magkausap na ito. Ako ay nagtuloy sa itaas.
Nagdilim ang paningin ko nang makita kong si Nadine ang babaeng nagsasalita, kausap niya ang kaniyang pinsan na si Cherry.
"Cha...charles."banggit ni Nadine sa pangalan ko. Gulat na gulat ang kanilang reaksyon nang makita ako. Para bang nahuli sila sa kanilang ginagawa.
Sinenyasan ko si Cherry na iwanan kami. Agad naman itong nagtatakbo pababa.
Naglakad ako palapit kay Nadine.
"Charles, let me explain."pakiusap niya. Umiling-iling lang ako.
"Narinig ko na ang lahat, hindi mo na kailangang magpaliwanag."seryosong sagot ko sa kaniya. "Napakasinungaling mo."dagdag ko pa. Hindi siya makapagsalita.
Ang lakas naman ng loob niya kung magsasalita pa siya. "Gumagaya ka na sa stepsister mo ah. ANIMAL ka na rin ba? Ha? Impostora ka ano? Hindi ikaw ang Nadine na nakilala ko, at kung itinatago mo siya, ilabas mo na. Alam mo ba kung gaanong sakripisyo ang ginawa namin para lang sa'yo. Dahil ang sabi mo nga, malapit ka nang matigok kaya gusto mo akong makasama. Pero ano, niloko mo kami. Lalo na si Camille."mahabang sambit ko. Sa pagkakataong ito ay tumungo na siya at nagsimulang umiyak.
"Aarte ka na naman na sumasakit ang dibdib mo? Sinakyan ko lang ang pagiging best actress mo kanina, nagbabakasakaling maging best actor din ako at makatanggap ng award."sarkastikong sambit ko pa.
"Hinding-hindi na ako maaawa sa'yo, dahil ang resulta ng pagtulong ko ay hindi maganda. Sinusulit mo eh. Hindi mo alam, may tao ka na palang nasasaktan. Or else, alam mo, pero ginagawa mo parin."dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Roman pour AdolescentsDate created: September 2016 ©Bianczx