SKY'S POV
"Sky!"rinig kong tawag sa pangalan ko ng boses ng isang babae, kaya tumingin kami kung saan nagmula ang tinig na iyon. At ang nakita ko ay ang babaeng hindi ko inaasahang makita, ang babaeng pinili ang kaniyang mga ambisyon sa buhay kaysa sa akin. Siya si Milliseth. Ang tapang din ng hiya niyang magpakita.
"Wow, para syang model Sky."namanghang sambit ni Camille. Oo, model talaga 'yan. Kaya nga ako iniwan para maging ganiyan. "Kilala mo siya Sky?"tanong pa ni Camille, saka naman lumapit rito si Milliseth.
Ang sunod na ginawa niya ay hindi ko nagustuhan. Hinalikan niya ako sa pisngi, na tila ba kami parin at walang nangyari. Hinila ko palabas ng Mac Store si Milliseth.
"Ouch!"inda nito dahil mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. At nang makalabas na kami ay patapon kong binitiwan ang kamay niya.
"Bakit ka nandito?"walang emosyong tanong ko sa kaniya.
"Nagbalik na ako, Hindi ka ba masaya?"sarkastikong sagot nito sa akin. Ako? Masaya dahil bumalik na siya? Tsk.
"Ako? Tinatanong mo kung masaya? Sinong taong magiging masaya kung ang taong mahal nila ay iniwan sila at bumalik na parang walang nangyari?"galit kong sabi tapos ang mga tao na dumadaan dito ay nagsisitinginan na sa amin. Hindi ko mapigilan.
"Sky, calm down. 'Wag tayo dito mag-usap, nakakahiya. Andaming tao oh."pakiusap nito.
"Mayroon ka pa palang hiya? Wow."singhal ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at bumalik ako sa loob ng store kung nasaan si Camille.
"Camille, pasensya na. Pwede bang magstroll ka muna sandali? Kailangan lang namin mag-usap in private ng kaibigan ko."sambit ko kay Camille.
"Sige lang. Mag-usap na kayo."nakangiting sagot nito sa akin. "Salamat."pasalamat ko sa kaniya. Muli na akong lumabas upang harapin si Milliseth at makipag-usap ng masinsinan.
CAMILLE'S POV
Ano kayang nangyari? Bakit hinila niya 'yong babae kanina? Lumabas na ako ng store at naglakad-lakad.
Kinuha ko ang cellphone mula sa paper bag, ang binili sa akin ni Sky. Mamahalin ito panigurado, kaya doble ingat ang gagawin ko dito. Lalo na at bigay lang ito sa akin. Ito yata ang tinatawag nilang iPhone. Ito 'yong nakikita ko sa mga kaklase ko, at saka 'yong cellphone ni Nadine.
"Camille."tawag ng isang lalaki sa pangalan ko. Kaya tumingin ako sa likuran ko. At si Charles ang lalaking ito.
"Oh, nasaan na ang kasama mo?"tanong nito sa akin pagkalapit niya. "Umalis saglit kasama 'yong kaibigan niya."sagot ko. "Sabi na't iiwan ka rin non."pambubuyo nito. "Psh."sabi ko nalang.
"Samahan mo nalang ako kumain, nagugutom na ako. 'Wag kang mag-assume na gusto kita kasama kumain. Mas maganda lang kumain ng may kasama."sabi pa nito. Ang defensive nito, wala pa nga akong sinasabi eh.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Novela JuvenilDate created: September 2016 ©Bianczx