Chapter 8

150K 4.4K 299
                                    

CAMILLE'S POV

"Sino ka at ano'ng ginagawa mo rito?" Rinig kong sabi ng isang lalaki. Dahan-dahan akong lumingon sa may gawi nito kung saan siya nakapwesto.

Nang humarap ako, si Charles ang nakita ko.

"O, bakit gan'yan ang reaksyon mo?" Tanong niya sa akin.

"Ah, wala-wala." Utal kong sagot.

"Sino ka ba at ano'ng ginagawa mo rito? Ha?" Ulit pa niya.

"Ano kasi, naghahanap ako ng box. Sakto, sumilip ako rito at may nakita ako kaya pumasok na 'ko." Paliwanag ko.

"Teka, parang pamilyar sa 'kin 'yang boses mo," nakakunot ang noong sabi niya. "Pero imposibleng ikaw 'yon, ang pangit no'n, e." Sabi niya na ikina-poker face ko. Palagi na lang bang 'pangit' ang palatandaan nila sa 'kin? Grabe talaga! "Sigina, kunin mo na 'yang mga box na 'yan at umalis ka na rito."

"Salamat." Mabilis ko nang kinuha 'yung mga box at umalis na 'ko sa room na 'yon. Ang sarap ibato sa kaniya ang mga box na 'to!

Naglakad na ako pabalik sa ground floor dala-dala ang patung-patong na box.

Hanggang sa may nabangga akong tao at nalaglag ang lahat ng box na bitbit ko.

"Miss, I'm sorry. It's my fault."

"Okay lang." Sagot ko sa lalaki habang pinupulot 'yung mga kahon.

"Tulungan na kita." Anyaya niya at tinulungan ako sa pagkuha ng mga 'yon.

Walang anu-ano at bigla na lang akong napatingin sa kaniya nang bahagyang nagkalapit ang mga mukha namin.

Isang gwapong nilalang lang naman ang naka-encounter ko! Parang pamilyar sa akin ang mukha niya at parang dito ko rin siya nakita.

"May dumi ba 'ko sa mukha?" Tanong niya saka pinunasan ang pisngi niya.

"Wala-wala." Sagot ko agad.

Camille, gising, natutulala ka na naman!

"Salamat." Banggit ko nang matapos niya akong tulungan.

"Walang anuman."

Bumaba na kami. Naging tahimik ang atmospira sa pagitan naming dalawa hanggang sa makababa kami.

"Salamat ulit." Sabi ko ulit nang makarating kami sa ground floor.

"Sorry ulit." Bahagyang nakangiting sabi niya.

"Okay lang 'yon, hindi naman sadya, e." Paniniguro ko. "Anyway, ako nga pala si Camille. Ano naman ang sa 'yo?" Pag-iiba ko.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon