CHARLES' POV
Nakita ko sina James at Nadine na masayang magkasama.
"Let's go."aya ko kay Camille saka hinila na siya palabas ng amusement park, hindi ko na siya pinagsalita pa.
Nang makarating kami sa parking lot, binitiwan ko na siya.
"Anong nangyari? Hindi pa nga tayo nakakasakay eh."takang tanong niya.
"Ayoko na duon."pagsisinungaling ko nalang.
"Ambilis mo naman magbago ng isip."sabi nalang niya.
"Sa iba nalang tayo pumunta."anyaya ko.
"Ano ba kasing nangyari? Ni isa sa mga rides wala pa tayong nasasakyan."tanong pa ulit niya.
"Basta."matipid kong sabi.
"Hay nako."rinig kong sabi niya.
"Sumakay ka na, pupunta nalang tayo sa mall."utos ko sa kaniya.
"Ano namang gagawin natin duon?"tanong nito.
"Maglalakad."sagot ko.
"Maglalakad lang? Aba matinde."murmur na naman niya.
"Gusto mo magshopping? Gusto mo kumain?"tanong ko sa kaniya.
Nagliwanag bigla 'yong mukha niya.
"Aba, hindi ako tatanggi diyan."masiglang sabi niya.
"Sumakay ka na, baka magbago pa isip ko."sabi ko. Kaagad naman siyang sumakay ng sasakyan. Kaya sumakay narin ako.
SA MALL...
"Saan tayo?"tanong ni Camille.
"Saan mo ba gusto?"tanong ko sa kaniya. Minsan lang ako maging ganto, kaya sulitin na niya. 'Wag na siyang magreklamo pa.
"Libre ba 'to? O ako magbabayad?"tanong pa niya.
"Aayain ba kita dito kung ikaw lang din ang pagbabayarin ko?"sagot ko sa kaniya.
"Edi tara na."sagot niya, tapos hinila na ako papunta sa may department store. Ano, hilahan tayo ganon?
CAMILLE'S POV
Hindi ko inakala na ililibre ako ni Charles. Kaya kanina tinanong ko muna siya kung libre niya, baka maging utang ko na naman.
Susulitin ko na 'to habang mabait pa siya sa akin. Sana hanggang mamaya pag-uwi namin, ganyan siya. Yung hindi siya masungit, kasi mas bumabagay sa mukha niya.
Nandito na kami sa may department store, sa may mga dress. Grabe ang gaganda, naalala ko tuloy nuong binilhan ako ng mga damit ni Nadine. Ang galing niyang pumili ng dress na babagay sa akin.
CHARLES' POV
Habang pumipili si Camille ng damit, nakikita ko sa kaniya si Nadine. Ganyan na ganyan si Nadine kapag namimili siya ng damit. Kahit 'yong ibang ugali at galaw ni Camille, may similarities silang dalawa. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagkasundo agad silang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/85421136-288-k93273.jpg)
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Roman pour AdolescentsDate created: September 2016 ©Bianczx