CHAPTER 45 ❤ HURT

42K 1.1K 125
                                    

KINABUKASAN...

CAMILLE'S POV

*HAAAH*

*INAT*

*KUSOT NG MATA*

"Nasaan ako?"tanong ko sa sarili ko. Nang maimulat ko nang talaga ang mga mata ko, saka ko lang napagtanto na nasa kwarto ko pala ako. Paano ako napunta dito? Nasa sala ako kagabi ah?

Tumayo na ako at ginawa ang daily routine ko, saka bumaba na para kumain ng umagahan para makapasok na sa eskwelahan. Naabutan ko ang lahat sa dining area, ako nalang ang wala.

"Maupo ka na."utos ni Tito Benjie, kaya naupo na ako at sumalok na ng pagkain. Iniiwasan kong magtagpo ang mga mata namin ni Charles.

Napatingin ako sa kaniya nang tumayo na siya. "Mauuna na po ako, may pupuntahan pa ako."paalam ni Charles saka kinuha na ang coat niya na nakapatong sa sandalan ng upuan.

"Mag-iingat ka."sagot sa kaniya ni Tita Agnes.

Saan naman kaya siya pupunta? Kagabi may pinuntahan din siya? Mayroong isang bagay na nagpop-up sa utak ko na ikinalumbay ko. Na si Nadine ang pinupuntahan niya at baka nagkaayos na sila.

Ano ba 'yan, hindi ako makakain ng ayos. Ni hindi ko pa nga nagagalaw ang pagkain ko eh. "Mauuna na po ako."paalam ko.

"Hindi ka pa nga nakakakain."si mama.

"Mamaya nalang po."walang gana kong sagot.

"Sasabay na ako sa'yo Ate Camille."si Sophie.

"Wag na, kumain ka nalang muna diyan."sagot ko sa kaniya at kinuha na ang bag ko at lumabas na.

"Ihahatid na kita."anyaya ni manong. Ngunit umiling ako.

"Magco-commute nalang po ako. Sila Sophie nalang po ang ihatid ninyo."pilit kong ngiting sagot. Atsaka ako nagpatuloy sa paglakad.

Ilang minuto ang lumipas at nakalabas na ako ng main gate.

*BEEP* *BEEP*

Gulat akong napatingin sa likuran ko, at mas lalo akong nagulat nang makita kong sasakyan ito ni Charles. Ibinaba ang bintana nito at inilabas ang kaniyang ulo.

"Sumakay ka na, kanina pa kita hinihintay, ang tagal mo."sambit nito sa akin at muling bumalik sa loob.  Sasakay ba ako o hindi? Ilang sandali pa at bumukas ang pintuan nito at bumaba si Charles, saka ako nito nilapitan. "Tara na."sambit pa nito at kinuha ang kamay ko.

"S...sasakay na ako."utal kong sagot saka kinuha ang kamay ko at nagpatiuna na sa paglakad.

"Sasakay ka rin pala eh."nakangising sambit nito nang makasakay na sa sasakyan.

"Ba't hinintay mo 'ko? Hindi ba't may pupuntahan ka pa?"tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Naalala ko, dapat pala kitang isama, kasi importante sa'yo ang pupuntahan ko."sagot nito at nagsimulang magmaneho. Importante sa akin? Ano naman kaya 'yon?

Tumigil kami sa tindahan ng mga prutas. "Bibili lang ako ng prutas, hintayin mo nalang ako dito."sambit nito saka bumaba na. Ilang sandali pa at bumalik narin ito.

--

"Anong gagawin natin dito?"tanong ko sa kaniya nang tumigil kami sa isang ospital.

"Bumaba ka na para malaman mo."utos nito. Hindi na ako nagsalita at sumunod na sa kaniya sa loob. Sumakay kami sa elevator at huminto sa third floor.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon