CHAPTER 47 ♥ 2 ANNOUNCEMENTS

44.1K 1.1K 175
                                    

CAMILLE'S POV

Hindi ko alam kung bakit nilagnat ako nang biglaan, hindi naman masama ang pakiramdam ko kahapon. Ewan ko ba.

Nang matapos ako sa paghahanda, bumaba na ako. Agad namang sinalat ni mama ang leeg at noo ko. "Nainom mo na ba ang gamot mo?"tanong ni mama. Tumango naman ako.

"Hindi ba't ang sabi ko ay huwag ka munang pumasok?"sambit ni papa.

"Ang kulit po eh, ayaw niyang makinig."singit ni Charles. Ano? Ikaw kinakausap? Tss.

Lumapit ako kay papa at ikinawit ang kamay ko sa braso niya. "Pa, kaya ko naman po. Lagnat lang po 'to, kaya ko po ang sarili ko. Saka marami po akong kailangan gawin ngayon."paliwanag ko.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Eh lagi naman akong talo sa'yo."sabi nalang ni papa.

"Aalis na po kami."paalam ni Sophie. "Tara na Ate Camille."baling nito sa akin. Nagpaalam na ako kina papa at sumama na kina Sophie.

Bago pa man kami makasakay...

"Sa akin ka na sumabay."sambit ni Charles. Magsasalita sana ako, kaso naunahan ako ni Sophie.

"Kay kuya ka na sumabay Ate Camille."sambit ni Sophie at agad na inaya sina Kitty at Cholo na sumakay sa sasakyan. Agad na silang lumarga.

"Ano bang trip mo? Ha?"nakasimangot kong tanong kay Charles.

"Trip ko? Trip kong alagaan ka dahil may sakit ka."sagot nito at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan sa may passenger's seat. "Sakay na."utos nito. Sumakay nalang ako at hindi na nag-inarte pa.

"Hinintay mo ako nung isang gabi ano?"salita ni Charles nang magsimula siyang magmaneho. Taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Ano?"tanong ko rito.

"Nagmamaang-maangan ka pa."sagot nito.

"Anong nagmamaang-maangan? Eh sa hindi ko alam eh."sabi ko pa.

"Eh bakit sa sala ka natulog nung isang gabi?"pag-iiba niya. Sa sala? Nasa kwarto kaya ako nun.

"Hindi kaya ako natulog sa sala."hindi ko pagsang-ayon.

"Naabutan kita noong isang gabi sa sala na natutukog, kaya ka napunta sa kwarto mo dahil binuhat kita at dinala sa kwarto mo."nakangising paliwanag niya. Nahiya naman ako bigla, siya pala ang nagbuhat sa akin? Hindi na tuloy ako makatingin sa kaniya.

"Maiba ako, bakit hindi ka sumipot kahapon? Lalo tuloy kaming natagalan dahil kulang kami."paglalakas loob kong salita.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon