Chapter 6

150K 4.5K 247
                                    

CAMILLE'S POV

"Nadine, sorry." Paumanhin ko dahil may nasabi akong hindi niya nagustuhan. Ngumiti lang siya at saka pinahiran ang luha niya, saka nagsalita.

"Okay lang 'yon," pag-ngiti niya. "Okay lang ba kung hindi ko sagutin ang tanong mo? Ayoko na kasi alalahanin 'yung mga nangyari. Sorry."

"Oo, okay lang!" Mabilis na sagot ko.

"Alam mo, mas maganda kung 'yung acquaintance party na lang ang pag-usapan natin." Pag-iiba niya at sumang-ayon naman ako agad. Mas mabuti pa nga!

Bago kami magkwentuhan tungkol sa party, naisipan muna namin na bumili ng pagkain. Nag-ingat na rin ako sa mga sinasabi ko dahil baka magkamali na naman ako.

"Ano'ng isusuot mo?" Tanong ni Nadine pagkaupo namin. Isusuot? Hindi ko nga alam kung pupunta ako, e.

"Hindi ko nga alam kung pupunta ako, e," pagkibit-balikat ko. "Tsaka, kahit naman magdamit ako ng maganda, mukha ko pa rin ang mapapansin." Walang ganang sagot ko. Totoo naman, e. Kahapon nga lang no'ng dumating ako rito andami na agad na nanlait sa 'kin. How much more kung magsusuot ako ng magandang damit tapos ganito itsura ko. 'Wag na lang.

"Alam mo, girl, maganda ka naman, e," sabi niya saka tinignan ang kabuuan ko. "Kailangan mo lang talaga mag-ayos. Hindi mo kailangan magparetoke katulad nang ginagawa ng iba." 

Mag-ayos? Sinubukan ko na 'yan, wala namang nangyari. Apat na taon na, wala namang pagbabago. Lalo ata akong pumangit. 

"Anong klaseng pag-aayos pa ba ang kailangan kong gawin?" Tanong ko saka sinimulang kainin 'yung chips na binili ko.

"Kai-" Hindi natuloy ang sasabihin ni Nadine dahil biglang dumating 'yung mga mapanlait na estudyante.

"Kahit ano pa'ng ayusin sa 'yo, wala nang magbabago."

"Ang basura sa paligid, kahit ano'ng gawin mo, BASURA pa rin."

Napakuyos na lang ako ng kamay dahil nagpipigil ako. Ayoko na sanang patulan, kaso sumusobra na sila.

Huminga muna ako nang malalim bago sila hinarap. "May nagawa ba 'kong mali sa inyo?" Seryosong tanong ko sa kanila. Hinarap naman ako nung babae na leader ata nila.

"Oo, may nagawa kang mali," pananaray niya. "Dinumihan mo ang paningin namin." Mariin na sabi nito na ikinapantig ng pandinig ko.

"Sa itsura mong 'yan, unti-unting nagdidilim ang paningin namin." Maarteng dagdag pa ng isa.

"You know what, it's better if you will just go and mind your own life. Hindi n'yo ikinaganda ang ugaling gan'yan." Humarang si Nadine sa pagitan namin.

"Alam n'yo, kung ako ganito ang itsura ko," pinilit kong maging seryoso ang mukha ko, pero nang-aasar pa rin ang aura ko. "Kayo naman, mukha kayong itlog."

"What did you say?! Mukha kaming egg?!"

"Oo itlog. Katulad ng score n'yo sa pre-test kanina. I T L O G." Humulma pa 'ko ng 'o' gamit ang kamay ko. Hindi ko kasi alam kung ano'ng ipanglalaban ko sa kanila, buti na lang naalala ko 'yung score nila na in-announce kanina.

"At least ako, kahit na ganito itsura ko, may naitutulong pa rin ako. Ang sabi nga 'di ba, 'ang kabataan ang pag-asa ng bayan'. E, pa'no na 'yan kayo? Puro panlalait lang ang alam n'yong gawin, kaartehan sa katawan.. At ano pa? Kalandian? Kawalan kayo ng pag-asa ng bayan, e. Hays." Umiiling na sabi ko pa para mas lalo silang maasar. Sinimulan nila 'ko, e. Ang ayos-ayos ng pag-uusap namin dito ni Nadine tapos bigla silang dadating.

Hindi na sila nakasagot. "May sasabihin pa ba kayo? Kasi kung wala na, mauna na kami sa inyo ha?" Kaswal na sabi ko. "Mag-aral nang mabuti para maging pag-asa ng bayan." Dagdag ko pa at tinapik ang balikat nila. "Tara na, Nadine."

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon