CAMILLE'S POV
Nawala rin ang pakiramdam ko na may patagong sumusunod sa amin.
Tama naman si Charles, e, maraming tao rito kaya may nakasunod sa 'min.Nag-concentrate na lang ako sa pagtulong kay Sophie sa pagpili ng mga bibilhin niya. Ilang oras din kaming nagtagal sa mall dahil marami pa siyang pinuntahan na boutique. After no'n, umuwi na rin kami.
"Ate, may nagpapabigay po sa inyo." Sabi ni Cholo nang makapasok sa kwarto ko dala-dala ang isang maliit na box. Pagkatapos niyang i-abot 'yon, lumabas na rin agad siya.
Naupo ako sa kama ko at binuksan ang maliit na box. Napakaraming maliliit na litrato ng mga teddy bear at kung anu-ano pa. Kanino kaya galing 'to? Ba't niya 'ko binigyan nito? Tinignan ko kung may letter, pero wala naman.
Lumabas na lang ako ng kwarto at itinanong kay Cholo kung sino'ng nagbigay no'n.
"Cholo, sino'ng nag-abot nito sa 'yo?" Tanong ko sa kaniya nang makasalubong ko siya sa itaas.
"Ayaw n'ya ipasabi 'yung pangalan n'ya." Pagkibit-balikat ni Cholo.
Bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko saka itinago 'yung box at nahiga na. Ang hirap mag-isip kung kanino galing ang bagay na 'yon. Wala naman akong kakilala na magbibigay no'n.
Kinabukasan..
Lumabas na ako ng kwarto ko, sakto rin ang paglabas ni Charles.
Babalik sana ulit siya sa kwarto niya samantalang ako pababa na, kaso bigla siyang nagsalita."Hoy." Sambit nito mula sa likuran ko kaya liningon ko siya.
Inihagis niya sa akin ang isang pahabang box.
"Ano 'to?" Tanong ko sa kaniya.
"Edi buksan mo nang malaman mo." Kaswal niyang sagot saka nauna nang bumaba sa akin.
"Wow." Manghang sabi ko nang buksan ko ang box. Ito 'yung necklace na kagabi ko pa tinitignan sa may jewelry shop. Binili pala niya? Pero bakit?
Bumaba na ako para tanungin siya dahil hindi ako makapaniwala na binili niya 'yung kwintas.
"Charles, para sa akin ba 'to?" Tanong ko hawak ang necklace.
"Ibibigay ko ba sa 'yo 'yan kung hindi 'yan para sa 'yo?"
"Baka ipinapaabot mo lang." Posible namang gano'n lang, e. Baka lang naman.
"Hindi na lang magpasalamat." Bigkas niya.
"Salamat!" Pasalamat ko sa kaniya saka tinalikuran na siya.
Agad akong pumunta sa may harap ng salamin at isinuot ang kwintas. Napakaganda! Ang mahal nito!
"Wow! Ate Camille, where did you buy that? It's so beautiful." Rinig kong sambit ni Kitty mula sa likuran ko.
"Bigay-" Hindi natuloy ang sinasabi ko dahil biglang nagsalita si Charles na nasa may harap ng ref at kumukuha ng tubig.
"Ako ang may bigay sa kan'ya n'yan."
"Hmm.. I smell something different." !Naningkit ang mga mata ni Kitty at umalis na. Ano'ng kakaiba ro'n?
"Hoy, kelan mo balak simulan 'yung project?" Pag-iiba ni Charles.
"Ngayon na," sagot ko agad. "Saka, for your information, may pangalan ako. Camille ang pangalan ko." Pagdiin ko pa saka siya tinalikuran. Maka-hoy naman siya!
CHARLES' POV
Wala akong ibang intensyon kung bakit ko ibinigay sa kaniya 'yon. Nakita ko lang kagabi na paulit-ulit niyang tinitignan 'yung kwintas kaya binili ko, saka dahil alam kong hindi niya afford ang gano'ng presyo.
Ngayon, ang sabi niya sisimulan na naming gawin ang project namin, kaya ang ibig sabihin no'n, pupunta rito 'yung mga ka-grupo namin. Paniguradong pupunta rito si Nadine. Kailangan kong ipakita sa kaniya na nagbabago na 'ko. Hindi ko na siya guguluhin.
"Anong oras sila pupunta rito?" Tanong ko pa kay Camille.
"Mamaya after lunch.. Bakit, excited ka?" Mapang-asar na sagot niya habang nanunuod ng tv.
"Ano'ng dahilan para ma-excite ako?"
After lunch..
Bumaba na 'ko agad nang marinig ko 'yung tunog ng doorbell. "Ako na'ng magbubukas." Sabi ko sa kasambahay namin.
Dumiretso na 'ko sa may gate at binuksan 'yon.
Pinasalubungan ko sila ng isang maaliwalas na ngiti. Nagulat naman sila nang makita nila 'ko. Ano'ng nakagugulat do'n? Bahay ko naman 'to.
"Tuloy kayo."
Sinalubong naman sila ni Camille at nagdiretso na sa may garden dahil do'n namin gagawin 'yung project.
"Let's start." Panimula ni Camille.
"Magmerienda muna kayo."
Rinig naming sabi ni Mama na may hawak na tray kung saan nakapatong ang mga juice at bread.
"Kain kayo, o." Anyaya niya saka isa-isang iniabot sa amin ang pagkain. "Nadine, nandito ka pala." Gulat na sabi ni Mama. Ngumiti lang si Nadine.
"Ma, may gagawin pa po kami. Mamaya na lang." Bulong ko kay Mama nang lumapit ako sa kaniya. Umalis naman siya kaagad.
"O," Abot ko kay Camille ng tissue.
CAMILLE'S POV
Inabutan ako ni Charles ng tissue. Nakakapanibago, hindi naman siya ganito. Pati 'yung juice kanina at 'yung tinapay ay siya rin ang kumuha at iniabot sa 'kin.
Ang mga kasama namin ay nagsitinginan lang sa amin.
"Ang ganda naman ng necklace mo Camille, saan mo binili 'yan?" Tanong ni Odessa nang mapansin niya ang kwintas ko.
"Ako ang may bigay sa kan'ya n'yan." Si Charles ang sumagot.
Nakita ko naman ang reaksyon ni Nadine, hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang reaksyon niya.
Nang matapos kaming kumain, nagtuloy na kami sa aming ginagawa.
Alas tres..
Tapos na kami sa ginagawa namin. Inaayos ko na ang mga ginamit namin dito sa may taas.
Nang makalabas na ako ng kwarto, narinig ko na parang may nag-uusap sa may veranda.
"Bakit gano'n ka umakto sa harapan ko? Namin?" Rinig kong sabi ng isang babae at nakasisiguro akong si Nadine 'yon.
"Ayaw mo nang kinukulit ka 'di ba? Ibinibigay ko na ang gusto mo." Sagot ng pamilyar na boses ni Charles.
"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, e."
"Bakit naaapektuhan ka? 'Di ba ang sabi mo, kahit katiting ay wala ka nang pagmamahal sa 'kin? Kaya bakit ka natatamaan sa mga ginagawa ko?" Sagot ni Charles at hindi na nakaimik si Nadine.
Nang maramdaman kong palabas na sila, agad na akong bumaba.
"Mukhang pagod na pagod ka ah?" Tanong ko kay Nadine saka siya hinapit sa bewang.
"Hindi naman. Ganito lang talaga 'ko." Sagot niya saka ako nginitian.
"Kita na lang tayo sa Monday ha?"
"Mauna na kami." Paalam ni Sky. Tumango lang ako at ngumiti.
"Charles." Tawag ko.
"Ano?" Sagot niya habang nakatuon ang paningin sa telebisyon.
"Bakit gano'n ka umakto kanina?Alam mo bang kahit papaano, e, nasasaktan din si Nadine?"
"Wala kang pakialam kung ano'ng gusto kong gawin. Mind your own business." Seryosong sagot niya at pumanhik na.
"Ano'ng problema ng panganay ko?" Biglang tanong ni Tita Agnes na kagagaling lang ng kusina.
"Hindi ko po alam do'n." Nagkibit-balikat na lang ako.
°°°°
edited: 2021
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Novela JuvenilDate created: September 2016 ©Bianczx