CHAPTER 22 ♥ REVELATION

121K 3.5K 197
                                    

CAMILLE'S POV

Nandito na ako sa lugar kung saan napag-usapan namin ni Nadine, dito sa may coffee shop malapit sa school. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking pakiramdam, kinakabahan na hindi ko alam. Dahil sa maaaring sabihin sa akin ni Nadine.

Ilang saglit pa ay dumating narin siya. Pagpasok niya ay kinawayan ko siya para makita niya ko. Nakita naman niya ako kaagad, kaya dumiretso na siya rito at naupo.

"Kumusta ka na? Ilang araw kang hindi nakapasok ah."bungad na tanong ko sa kaniya. Bigla namang may namuong luha sa kaniyang mga mata na aking ikinagulat. Agad niya itong pinahiran nang kaniya itong maramdaman, saka ito pilit na ngumiti sa aking harapan.

"Anong problema?"alalang tanong ko sa kaniya saka ko hinawakan ang kaliwang kamay niya. "Hindi ko alam kung paano ko 'to sisimulan."sagot niya at saka huminga ng malalim. Sabi na nga ba't importante ang sasabihin nito sa akin eh.

"Next month..."napatigil pa siya at huminga muli ng malalim bago magsalita. "Pupunta ako ng States para magpagamot."diretsong sagot nito na ikinagulat ko ng husto. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Nagsimula nang pumatak ang mga luha niya na agad nitong pinapahiran.

Lagi kaming magkasama, pero hindi ko alam na may dinadala pala siyang ganitong sakit. Anong klaseng kaibigan ako na hindi marunong makiramdam sa paligid niya? "Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad nang nasamahan kita dito magpagamot?"alalang tanong ko sa kaniya at nagsimula naring tumulo ang mga luha ko. Naaawa ako sa kaniya. Sobra. "Ano ba ang sakit mo na hindi malunasan dito sa Pilipinas?"tanong ko pa.

"I have a stage 3 lung cancer."lakas loob nitong sagot na mas lalong ikinabuhos ng luha ko. Hindi biro ang sakit na iyan, at mahirap na lunasan. "Ayokong mag-alala ka, atsaka kaya ko 'to. Malakas kaya ako."sabi nalang nito para bawasan ang pag-alala ko sa kaniya. Subalit, kahit kaunti ay hindi ito nabawasan.

Hinawakan nito ang dalawang kamay ko. "Promise me na hindi mo 'to sasabihin kahit kanino. Sa inyo ko lang 'to sinabi ni James."pakiusap nito. "Ipinapangako ko."agad kong sagot sa kaniya.

Nagsimula raw ang lahat bago pa man sila maghiwalay ni Charles. Si James na ang naging kaagapay niya sa lahat, kasama niya tuwing nagpapacheck-up siya. Nagiging magaan daw ang lahat sa kaniya nang dahil kay James.

Ilang araw siyang wala sa klase, dahil pinayuhan siya ng doctor na mas maigi kung sa bahay nalang muna siya. 'Wag muna siya magpastress.

Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano dahil nandiyan si James sa tabi niya. Buti nalang at nandiyan si James. Tinanong ko pa kung bakit hindi niya sinabi kay Tita Dina. Ang sagot niya ay ayaw niyang mag-alala ang mommy niya kahit ang papa niya. Hindi ko nalang siya kinontra at ayaw kong ma-stress pa siya.

"'Wag muna nating pag-usapan ang bagay na 'yan. Next month pa naman ako aalis, mamasyal muna tayo."masiglang sambit ni Nadine. "Dahil hindi ko din alam kung kailan ako makakabalik."dagdag pa nito. Sumang-ayon nalang ako sa kaniya. Tumayo na kami at lumabas ng coffee shop, dahil pupunta kami sa mall.

"Nadine! Camille!"rinig naming tawag ni James na nakasakay sa sasakyan. Syempre, hindi pwedeng mawala si James sa tabi niya. Dahil ito ang pinakaguardian ni Nadine.

Nagquantum kami, inubos namin ang dalawang libong piso para lang sa paglalaro. Kumain pa kami sandali at napagdesisyunan na umuwi na, dahil hindi siya pwedeng mapagod ng husto.

Alas-sais narin nang makauwi kami. "Saan ka nanggaling?"tanong sa akin ni Charles habang nakakrus ang dalawang braso. Tatay kita? Mas matindi ka pa kay papa ah? "May pakialam ka pala sa akin?"sarkastikong sagot ko sa kaniya. At saka tinanggal ang sapatos ko at naupo sa sofa.

"Hindi mo ba alam na hindi kami nakapagtanghalian?"salita pa nito. "O tapos?"sagot ko saka pumikit. "Hindi kami nakakain ng dahil sayo!"medyo malakas nitong sambit pero hindi ako nagpatinag. "Edi sana umorder nalang kayo."sagot ko sa kaniya. Marami naman kayong pera, ba't hindi kayo umorder? Psh. Narinig ko nalang ang yapak nito paakyat sa itaas.

"Mas gusto niya kasi ang luto mo, kaya ayaw niyang umorder."rinig ko na sabi ni Sophie na tumabi sa akin, na ikinamulat ng mata ko. Gusto niya ang luto ko? How come?

"Aakyat na ako sa taas ha? Magbu-beauty rest na ako. Bawal magpuyat, baka lumalim ang eyebags."sambit nito saka umakyat na.

NADINE'S POINT OF VIEW

"Kumusta na ang baby ko?"tanong sa akin ni mommy sa kabilang linya, nasa Canada siya ngayon. Nagvacation siya with her family. My mom and dad were separated, five years old palang ako nang maghiwalay sila. "Ito mommy, maganda parin po."sagot ko rito na may halong kasiyahan sa tono ng pananalita. "'Aalagaan mo ang sarili mo ha, kumain lagi at 'wag magpapastress. Kumusta na kayo ni James?"paalala pa nito. "Okay naman po kami. Lagi ko pong ginagawa ang mga paalala niyo."sagot ko rito. "Ibababa ko na ang telepono ha, mag-iingat ka anak."huling sambit ni mommy at ibinaba na ang telepono.

Ang akala ni mommy ay kami na ni James, pero hindi talaga. He's just my friend. Umaakto lang kami as magnobyo at magnobya. Siya ang lalaking matagal nang may gusto sa akin, pero kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya. Gusto ko lang ipakita kay Charles na naka move-on na ako. Ang totoo nga niyan ay, alam ko ang katotohanan. Alam kong hindi niya ginusto ang lahat nang natuklasan ko. Pero naging bingi ako, at isinara ko ang puso ko. Hindi ko na siya tinanggap pang muli nang dahil sa sakit ko.

Dahil natatakot ako, na baka hindi na ako gumaling at maiwan siyang luhaan. Oo, mahal na mahal namin ang isa't-isa. Kaya natatakot ako. Kaya gusto kong makausad na siya sa akin at magmahal muli. Dahil posibleng bigla nalang akong maglaho sa mundong ibabaw, ayokong masaktan siya nang husto.

Sinabi sa akin ng stepsister ko ang lahat, pero hindi siya humingi ng tawad sa ginawa niya. Pleasure para sa kaniya ang ginawa niya. Kaya nang malaman ni papa 'yon, ipinadala siya sa States para ilayo sa akin. Wala narin ang mama niya na naging dahilan nang paghihiwalay ng parents ko, dahil patay na ito.

Kinuha ko ang album namin ni Charles mula sa aking drawer, at isa-isa itong pinagmasdan. Unti-unting pumatak ang mga luha ko dahil nagfa-flashback lahat ng mga moments na magkasama kami ni Charles. Mahal na mahal ko siya, kaya ayaw ko siyang masaktan. Pinakawalan para tuluyang sumaya.

Lalo akong pinanghihinaan ng loob sa tuwing naaalala ko ang sinabi sa akin ng doctor.

Flashback...

"Mas maganda kung sa States ka magpapagamot, dahil duon ay mas matututukan ka ng mga doctor. At mas magagaling ang mga kagamitan at doctor nila roon. PERO, HINDI KO SINASABING 100 PERCENT NA GAGALING KA. DAHIL IILANG TAO LANG ANG NAKAKASURVIVE SA KALAGAYANG GANITO. "paliwanag sa akin ng aking doctor. Kaya agad kong napagpasiyahan na magpagamot sa States.

End of Flashback.

Pakiramdam ko tuloy ay lantang gulay na ako. Bakit ba ako tinablan ng ganitong sakit? Bakit ako pa? Masyado pa akong bata para magkaroon ng ganitong karamdaman.

"AAAAAAHHHH!"inda ko pero nagpipigil parin para hindi marinig nila papa at ng mga kasambahay namin. Sumasakit ang likuran ko. Gumapang ako papunta sa centre table upang kunin ang pain killer at inumin agad ito.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon