CHAPTER 39 ❤ GIRLFRIEND

103K 2.9K 317
                                    

CAMILLE'S POV

Gulat akong napatingin kay Charles nang bigla siyang sumulpot at nagsalita.

"Bakit mo kinakausap 'yan, Jack?"tanong ni Charles duon sa varsity player ng Jinri na bumati sa akin.

"I'm just greeting her."sagot naman nung Jack.

"Wala kang karapatan na kausapin siya."sambit ni Charles na aking ipinagtaka.

"Oh man, is she your girlfriend?"sabi pa nung Jack.

Mayroong pumapasok sa isipan ko, at sana mali iyon. Hindi maaari.

"Yes, she's my girlfriend."maangas na sagot ni Charles na ikinahinto ng mundo ko. Sinasabi ko na nga ba eh. Mas lalo pa akong na-semento sa kinatatayuan ko nang akbayan niya ako. "Kaya, you have no right to talk to her."dugtong pa ni Charles.

Juice colored, bakit ginawa 'to ni Charles? Nahihibang na ba siya? Nasisiraan na ba siya ng ulo?

"Oh, I'm sorry Charles. Hindi na mauulit."paumanhin nung Jack kay Charles. Bago pa man ito makatalikod ay maangas pa siyang tinanguan ni Charles.

Pagkaalis ni Jack, itinulak ko si Charles.

"Hey, what's wrong with you?"maang-maangang tanong ni Charles. Wow lang ha, hindi niya talaga alam?

"Anong what's wrong with me? Ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan eh. Ano bang problema mo at sinabi mong girlfriend mo ako? Nasisiraan ka na ba ng bait? Ha?"walang pakundangang sagot ko sa kaniya. Feeling ko, may lumalabas na usok sa magkabilang tainga ko.

"Ayoko kasi na may ibang LALAKING kumakausap sa 'yo. Lalo na't taga ibang school."sagot niya. Mas lalo akong naguluhan.

"At bakit naman?"tanong ko pa, dahil gusto kong maliwanagan. Mamaya nantitrip lang 'to eh, pag nagkataon sasapakin ko talaga siya sa mukha.

"Ayaw mo bang magkaroon ng boyfriend na katulad ko? Kasing kisig at gwapo ko?"pagyayabang pa nito.

"Hoy Charles, 'wag mong iniiba ang usapan. Sagutin mo ang tanong ko."sabi ko pa.

"Bro!"rinig kong tawag ng isang lalaki, kaya napatingin ako sa may gawi nito.

"Jaron!"tawag naman ni Charles sa kaniya. Hindi siya pamilyar sa akin, kaya baka taga-JINRI siya.

Lumapit dito 'yong Jaron at nakipag-usap kay Charles. Aalis na sana ako, kaso hinigit ni Charles ang kamay ko. Hanggang sa nabaling sa akin ang atensyon nung Jaron.

"Is she your new someone?"tanong nung Jaron kay Charles.

"Yes, she is."nakangiting sagot ni Charles. Siraulo talaga si Charles! Feeling ko lumalaki na ang ulo ko at malapit nang sumabog.

"So, naka move-on ka na pala kay YOU KNOW."pagdiin nung Jaron sa "you know".

"Naman. Kahit banggitin mo pa ang pangalan niya, wala ng epekto sa akin 'yon."sagot naman ni Charles.

"Congrats!"bati ni Jaron sa kaniya, saka sila nagtawanan. Ilang saglit pa ay nabaling na naman ang atensyon nito sa akin.

"Nice meeting you..."sambit ni Jaron saka iniabot ang kanang kamay nito, napahinto pa sa pagsasalita upang hintayin ang sagot ko. Ang pangalan ko.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon