CHAPTER 29 ❤ FALSELY ACCUSED

111K 2.9K 325
                                    

NADINE'S POV

Hindi ako pumasok ngayon, nandito ako sa ospital. Kasi, kagabi may nangyari na naman sa akin, nanikip na naman 'yong dibdib ko. Kaya, I decided na pumunta na sa hospital. And I call James too, para samahan ako.

"Doc, how's my condition?"kinakabahang tanong ko. Kinakabahan na ako kung ano man ang sasabihin ni doc.

"Nadine..."panimula ni doc. Bakas na sa kaniyang mukha ang maaari niyang sabihin.

"Kumalat na all over your body 'yong mga cancer cells, and the stage of your cancer is STAGE 4. Kailangan mo na ma-operahan as soon as possible, but hindi natin masisiguro kung gagaling ka talaga. Kung maaari ay lumipad ka na kaagad papuntang States."paliwanag ni doc.

Tumulo na ang mga luha ko nang dahil sa mga narinig ko.

Bakit kailangan pang mangyari sa akin 'to? Ang hirap lang talaga tanggapin. Ang bata ko pa para magkaroon ng ganitong sakit.

Si James hinahagod-hagod niya ang likod ko para aluin ako.

"But ija, don't give up. Maraming pwedeng mangyaring maganda, malay mo paggising mo isang araw. Wala ka ng sakit. Just think positive."pagpapalakas ng loob sa akin ni doc.

"Hindi naman po ako nawawalan ng pag-asa."sagot ko saka ngumiti.

"Like what I've said earlier, kailangan mo ng pumunta sa States. Hindi mo na pwedeng patagalin ng isang buwan."sabi ni Doc.

"Sige po doc, gagawin ko po. Sana magkita pa tayo."sabi ko.

"Ikaw talaga."sabi nalang niya.

Tumayo na kaming dalawa ni James at lumabas na ng ospital.

CAMILLE'S POV

"Mr. Williams, come in."sabi ng aming propesor. Rinig ko na ang tunog ng mga yapak niya. Parang kinukutuban na ako kung sino, dahil naalala ko ang pangalan ng school. At posibleng siya iyon.

At nang siya ay makapasok na...

Sinasabi ko na nga ba, siya nga. Si SKY WILLIAMS nga.

"Alam kong kilala niyo na ako, no need to introduce myself. Lagi niyo naman akong nakikita, at alam kong dati pa kayong estudyante sa school. AT IMMUNE NA KAYO SA KAGWAPUHAN KO."salita ni Sky at saka nagtawanan ang buong klase dahil sa huling linyang binanggit niya.

"Tsk. Tsk. Tsk. Napakaangas."singhal ni Lawrence.

"Enough for the introduction. Mr. Williams, please sit infront of Ms.Ocampo."pagtigil ng aming propesor sa kasiyahan.

Pagkaupo niya ay pasikreto akong bumulong sa kaniya...

"Bakit lumipat ka dito?"bulong ko nang maupo siya sa upuan sa unahan ko.

"Later, I will tell you."sagot ni Sky saka ibinaling na ang atensyon sa aming propesor at nagsimula na ang klase.

ARAL

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon