CAMILLE'S POV
"OMG, nagba-blush siya."pambubuyo ni Odessa.
"Kanino ka naman ba kinilig at tinamaan? Isa lang Camille, bawal ang tatlo."dagdag pa ni Niño.
Hindi nalang ako sumagot, sa halip ay kinuha ko ang gitara mula kay Charles at saka bumalik sa inuupuan ko.
♬GANITO NA PALA ANG PAG-IBIG♬
♬KUMAKATOK… SA DIBDIB
ITO NA BA ANG PAG-IBIG
NALILITO NABABALIW
DI MAPANATAG ANG DAMDAMINAT HINDI NAPAPANSIN
TAKBO NG ORAS SA TUWING
IKAW AY KASAMA
WALANG IBANG LIGAYAGANITO NA PALA ANG PAG-IBIG
ALA-ALA KA SA ARAW GABI
SA PAGTULOG KO AT SA PAGGISING
LAMAN KA NG BAWAT DALANGIN
AT IKAW ANG HANGAD
NITONG PUSONG SABIK
AT LABIS NGANG NAGMAMAHAL
SA ISANG IGLAP LANG
AY NAHULOG NA NGA
GANITO GANITO
GANITO NA PALA ANG PAG-IBIG...♬"Sino na nga ba ang napili mo?"tanong ni Jane nang matapos ako sa pagkanta. Nagkibit-balikat lang ako. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at saka hinanap si Nadine.
Palakad-lakad ako sa paligid, nagtatanong-tanong kung may nakakita ba sa kaniya. Hanggang sa mapadpad ako sa may mataas at malaking puno, naroon si Nadine at nakaupo.
"Nadine!"tawag ko sa kaniya saka siya nilapitan. Tumingin lang siya sa akin. "Galit ka ba sa akin?"tanong ko pa sa kaniya. Pero umiling siya
"Pwede mo ba akong tulungan?"tanong niya.
"Saan naman?"sagot ko at naupo sa tabi niya. Nagsimula na siyang huminga ng malalim.
"Alam kong nililigawan ka ni Charles. Kapag nakikita kong ginagawa niya ang mga bagay sa'yo na ginagawa niya sa akin noon, nasasaktan ako. Kasi mahal ko pa siya. Sobra. Pasensya na kung sinasabi ko sa'yo 'to."paliwanag niya. Nakikinig lang ako sa kaniya. Parang alam ko na kung saan ang patutunguhan nito, kung saan siya magpapatulong. Parang unti-unti nang nadudurog ang puso ko. "Pwede mo ba akong tulungan para makipagbalikan na sa akin si Charles?"diretsa nitong sambit.
--
CHARLES' POV
Dumidilim na ang kalangitan, kaya nagtipon-tipon na kami dahil panibagong aktibidad na naman ang gagawin namin.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Novela JuvenilDate created: September 2016 ©Bianczx